FACT-CHECK: Walang naganap na tensyon sa WPS na kinasangkutan ng Amerika at Australia

CLAIM: Nagkaroon ng tensyon sa West Philippine Sea na kinasangkutan ng Amerika at Australia.

 

RATING: HINDI TOTOO

 

Isang video sa Youtube mula sa channel na “Sangkay JanJan” ang maling nagpahayag na nagkaroon daw ng engkwentro sa West Philippine Sea sa pagitan ng mga militar ng Australia at Estados Unidos. 

Red Flag: Inilabas ang video noong Feb. 18 na pinamagatang “AMERIKA AT AUSTRALIA LUMUSOB NA SA WPS! GRABE ANG NANGYARI!” at mayroong thumbnail na maling nagpapahayag na may nangyaring insidente sa West Philippine Sea kasama ang dalawang bansa.

  • Ang thumbnail ay may larawan ng isang grupo ng mga sundalo na nakalubog sa tubig, na may nakasulat na, “AYAN NA! MGA SUNDALO NG US AT AUSTRALIA NASA WPS!” na sinusundan naman ng text sa itaas nito na nagsasabing “MALAKING GULO NA BA TO?”

Mga Resibo: Sa oras ng pagsulat nito, walang naiulat na gulo sa pagitan ng Estados Unidos at Australia sa West Philippine Sea.

  • Ang larawan sa background ay kinuha noong Oct. 2, 2014 ni Sgt. Anthony Kirby sa Ozamis, Palawan sa isang joint amphibious landing exercise ng U.S. at Philippine Marines.

Rewind: Ang video ay inilabas sa gitna ng tumataas na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ukol sa maritime disputes sa West Philippine Sea.

  • Inilabas ang video isang araw matapos wakasan ng Pilipinas, Estados Unidos, at Australia ang kanilang ika-14 na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa West Philippine Sea noong Feb. 17, 2026.

Bakit ito may fact-check: Sa ngayon, nakakuha na ang video ng 40,000 views at 2,000 likes.

  • Ang YouTube channel na pagmamay-ari ni John Anthony Jaboya na mayroong 1.6 million subscribers ay paulit-ulit na naglalabas ng content na dinidebunked ng iba’t ibang fact-checking organizations.
  • Noong 2025, na-fact-check ng PressOne.PH ang maling claim ni Jaboya na ang ₱13 trilyon na utang ng bansa ay tanging sa administrasyong Duterte lang nagmula.

Bantay-fake: Manatiling maingat laban sa mga kahina-hinala at nakakabiglang balita.

  • Manatiling maingat laban sa mga social media account na kilalang nagkakalat ng maling impormasyon.
  • Ang mga balitang tungkol sa mga gulo ay karaniwang nakakakuha ng coverage mula sa mga mapagkakatiwalaang organisasyon ng media.
  • Tumingin lamang sa mga opisyal na website at mapagkakatiwalaang mga news outlet para kumpirmahin ang impormasyong nakita online. Khloe Lim


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy


Post a Comment

0 Comments