Construction Worker at Asawa Nito, Nakapagpatayo ng Kanilang Dream House Mula sa Kanilang Ipon!

Naniniwala ka bang hindi hadlang ang pagkakaroon ng maliit na sahod upang makaipon? Karamihan sa atin ay nahihirapan magkaroon ng savings dahil sa ating waldas na paggastos. Ngunit kung isasabuhay natin ang disiplina at financial literacy, maaari nating maabot ito! Kagaya na lamang ng construction worker na ito at kanyang maybahay.

Pinatunayan ng mag-asawang ito na kahit pa maliit ang iyong kinikita, makakaya mo pa ring magtabi para sa iyong kinabukasan.

Kaya naman maraming netizens ang talagang napabilib nila sa galing nilang mag-handle ng kanilang pera. Curious ka rin ba kung paano nila ito napagkakasya?

Read More: Pamilya ng Seaman na Bigla na Lamang Nawala sa Barko, Nagsuspetsa ng Foul Play

Isang construction worker si Alphie Castante Olvis samantalang housewife naman si Kember Flores Casabuena. Maliit lamang ang kinikita ni Alphie sa pagiging construction worker, ngunit sumasapat naman ito sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa katunayan, nakakapagtabi pa si Kember para sa kanilang ipon.

Tuwing sumasahod si Alphie, agad niya itong binibigay sa kanyang asawa. Tiwala siya kay Kember dahil bukod sa magaling itong mag-budget, masinop rin ito sa pera. Pawang mga pangangailangan lamang nila ang inuuna nito, kaya naman kahit pa maliit ang sahod ni Alphie ay nagagawa pa niyang magtabi ng ipon.

Kada araw ay nagtatabi si Kember ng P50 mula sa kanilang budget. Nilalagay niya ito sa kahon ng sapatos, hanggang sa nagtagal ay tuluyan na itong lumago! Maging sila mismo ay hindi makapaniwala dahil marami na pala silang naipon sa loob ng ilang taon. Gamit ang kanilang naipon, nakapagpatayo pa ng bahay ang mag-asawa.

Dahil sa kanilang nakaka-inspire na kwento, na-feature rin ang mag-asawa sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Ayon kay Kember, kung gusto mong mag-ipon, kailanga’y disiplinahin mo ang sarili mo sa paggastos. Ito rin daw ang sikreto niya upang makaraos sila sa kabila ng hirap ng buhay.

Read More: Lalaki Unang Beses na Nakita ang Mukha ng Kaniyang Pinakasalang Babae at ito ang Naging Reaksyon Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Construction Worker at Asawa Nito, Nakapagpatayo ng Kanilang Dream House Mula sa Kanilang Ipon! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments