Nahukay na Pera ng mga Construction Worker na Nagkakahalaga ng 500K, Wala Umanong Halaga! Bakit kaya?

Kakabit ng pagiging isang construction worker ay ang hirap at peligro na dala ng kanilang trabaho.

At kung minsan naman ay nagkakaron pa ng mga pagkakataon kung saan nakakahukay pa sila ng mga delikadong bagay na maaring maglagay ng kapahamakan sa kanilang buhay.

Ngunit isang kakaiibang bagay ang nadiskubre ng mga construction worker na ito noong nahukay nila ang perang nagkakahalaga ng P300,000 hanggang sa P500,000.

Agad na nagdiwang anga mga magkakatrabaho dahil sa laki ng halaga na nakuha nila, ngunit panandalian lang pala ang kanilang saya.

Ang mga salapi kasing nahukay ng mga ito ay wala ng halaga.

Paano ito nangyari?

Matapos nilang paghati-hatian ang mga pera ay agad silang pumunta ng bangko upang ipapalit ito.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito tinanggap ng bangko dahil sa kadahilan na ang mga perang ito ay demonetized na at walang nang halaga sa pagitan ng taong 1985 at 2017.

Ibig sabihin, matapos nating magpalit ng bagong anyo ng pera ay wala ng halaga ang mga dating pera kahit gaano pa ito kalaki dati.

Agad namang nakarating sa mga awtoridad ang usap-usapan tungkol sa nalikom na pera kung kaya naman madali nila itong kinumpiska upang maiwasan ang insidente ng pangloloko ng mga tao gamit ang mga ito.

Matapos nito ay naka abot naman sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang istoryang ito at agad nilang kinapanayam ang mga empleyado na sangkot sa pangyayari.

Naniniwala ang iba na kaya nagkaroon ng ganoon kalaking halaga sa hukay ay upang pambayad sa mga illegal transactions.

Samantalang mag mga nagsasabi naman na maaring ibinaon ito upang itago ang kanilang yaman ngunit may hindi inaasahang nangyari sa maay-ari kung kaya hindi na ito nabalikan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Nahukay na Pera ng mga Construction Worker na Nagkakahalaga ng 500K, Wala Umanong Halaga! Bakit kaya? appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments