Netizen Nalula sa Dami ng Perang Naipon ng Isang Tinderong ito Gamit ang Sahod Niya sa Pangingisda

Sabi nga nila, kung may paraan, magkakaroon at magkakaroon ka ng pagkakataong yumaman.

Isang kwento ng naman ng tagumpay ang viral ngayon sa social media matapos ibahagi ng ina ng tinderong nagngangalang si Gerdan Tolero ang naging bunga ng kaniyang mahigpit na pagtitipid upang magkaroon ng ipon.

Ayon sa Facebook post ni Gemma Columna Tolero, sadyang masigasig ang kaniyang anak sa pagtatabi ng pera dahil marami siyang pangarap sa buhay

Ayon pa rito ay kahit lockdown ay hindi sumusuko sa pagtitinda ang kaniyang anak.

Sulat niya sa kaniyang post, “Anak nagulat ako kahapun binoksan mo ang napuno ang dram salamat anak sa best mo yan ang pangarap mo simula bata kapa ngayun tagumpay basta anak lage magdasal sa dios kahit luckdown nagtetenda ka pa rin lalako isda sabi mo hindi ka titigil kahit luckdown”

Ayon naman sa panayam ni Gerdan sa GMA News ay natuto siya magkaroon ng kakaibang disiplina sa sarili dahil sa kaniyang pag iipon.

Kuwento ng 22-anyos na binata, “Pag gumastos po ako iniisip ko kung talagang kailangan po, ‘yong mga wants, luho, ‘di ko po muna pinapasok. Talagang wala sa isipan ko.”

Samantala, hangang-hanga naman ang mga netizens sa diskarteng taglay ng binata.

“Gamitin mo na, baka hindina magamit yon pag tinagalan mo pa. Alam mo naman bangko sentral sa Pinas. He he. Advise lang masasayang kasi eh.”

“I do really admire your patience in saving your little money. Because there’s no big amount that won’t start in a single peso. In your case I Salute you the most of my respect.”

“eto ung sinasabi ko.hindi katwiran kung maliit lang ang kita.khit pakonti-konti dpat tlga marunong mgtabi.d mo namamalayan ung konti mo natatabi malaki na pla..goodjob sau bro.sana marami ang mainspired sau👏👏👏

“yung iba dyan nagrereklamo na walang maipon, pero bili rin lang ng bili basta nakasale ang shopee at lazada. iba talagang maghawak ng pera ang taong may disiplina ”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Netizen Nalula sa Dami ng Perang Naipon ng Isang Tinderong ito Gamit ang Sahod Niya sa Pangingisda appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments