Pamilya ng Seaman na Bigla na Lamang Nawala sa Barko, Nagsuspetsa ng Foul Play

Hindi madali ang propesyon ng isang seaman. Bukod sa pagiging seasick, nakakaranas rin sila ng homesickness dahil kadalasan ay ilang buwan silang nawawalay sa kanilang pamilya. Sa gitna ng karagatan, maaari rin silang humarap sa mga pagsubok na maglalagay sa buhay nila sa panganib. Gaya na lamang ng nangyari sa isang seaman na ito.

Isang Pinoy seaman na nagngangalang Sec. Mate Geronimo Dayrit ang isang buwan nang pinaghahanap ng kanyang pamilya. Ayon sa anak nito na si Gerlyn Dayrit, March 28 pa nang mawala na lamang bigla ang tatay nila habang nakaduty ito ng ala-una ng madaling araw. Lulan ito ng barkong mula sa Australia patungong Singapore.

Read More: Lalaki Unang Beses na Nakita ang Mukha ng Kaniyang Pinakasalang Babae at ito ang Naging Reaksyon Niya

Ayon kay Gerlyn, agad silang nag-alala sa kalagayan ng ama kaya’t kinontak nila ang Friendly Maritine Services Inc. na agency ng kanyang tatay. Nagpadala di umano ito ng investigation report, ngunit suspetsa ng pamilya ay hindi sinasabi ng kumpanya ang totoong nangyari sa kanilang ama.

“They sent us investigation reports already, but my family really wants to know the truth behind everything. I can’t accept the fact that my dad intendedly jumped ship. We’re a happy family, wala talaga kaming family problem. My dad would not dare to commit suicide. Sobrang bait ng papa ko, marunong makisama lalo na sa crew.”

Hinihinala rin nilang mayroong foul play na naganap. Ayon kay Gerlyn, kilala nila ang kanilang ama at wala itong suicidal tendencies, bagay na iginigiit ng Friendly Maritime Services. Kaya naman dumulog sila sa social media upang humingi ng hustisya.

“It seems that there is a foul play here po. Lalo na sa mga kasamahan niya sa barko. The agency has been suspiciously hiding something. They won’t diclose any informations with regards to the crew members of the ship. Please help us investigate. Please po help us kung anong gagawin.”

Read More: Kilalanin ang Panganay na Anak ni Ogie Diaz na Talaga Namang Artistahin sa Ganda!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Pamilya ng Seaman na Bigla na Lamang Nawala sa Barko, Nagsuspetsa ng Foul Play appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments