Toni Fowler, Nagpa-Tulfo na! Ready na Nakipagsagutan sa Bagong GF ni Rob Moya

Matatandaang January 2021 nang ibunyag ng vlogger na si Toni Fowler na single na siya. Matapos ang ilang taon nilang relasyon, tuluyan na silang naghiwalay ni Rob Moya. Noong mga panahong iyon, maraming netizens ang nagtataka kung mayroon nga bang third party na namagitan sa relasyon ni Toni at Rob. Matapos ang mahabang pananahimik, tuluyan na ngang pina-Tulfo ni Toni ang kanyang ex.

Kamakailan lang, muli na namang nagkaroon ng guest appearance ang sensational mommy vlogger sa programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo.”

Sa kanilang one-on-one interview, ipinahayag ni Toni ang kanyang hinanaing dahil sa di umano’y panggagamit sa kanya ni Rob. Maging ang kanyang 9-taong-gulang na anak na si Tyronia ay dinadamay umano nito.

Read More: Pamilya ng Seaman na Bigla na Lamang Nawala sa Barko, Nagsuspetsa ng Foul Play

Ilang buwan matapos ang kanilang break-up, binunyag ni Toni na nilimas ni Rob ang P3 milyong laman ng bank account na sana’y savings ng kanyang anak na si Tyronia.

Bukod pa dito, ginagamit rin di umano ni Rob si Tyronia para sa content nito sa social media, bagay na inalmahan ni Toni dahil ayaw niyang ma-expose sa ganoong bagay ang kanyang anak.

Matapos ito, nagkaroon naman ng iringan si Toni Fowler at Lai Austria, na napapabalitang bagong girlfriend ni Rob Moya. Pinagpyestahan ng mga netizens ang pasaring ng dalawa laban sa isa’t-isa sa social media. Nagsimula ito nang inakusahan ni Toni na nakikisawsaw si Lai sa isyu nila.

“Never kitang inano. Puro pag rereact lang sa ginawa samin ng anak ko. Ikaw tong nakikisali tagal mo na kasing naghuhubad di man lang sumikat. Di ka humihinto sa akin. Ngayon lang kita pinaringgan g na g ka? Unang una ikaw nauna. Wag ka mag deny madami SS ang kumakalat,” pahayag ni Toni sa Twitter.

Sa kabilang banda, ngayon naman ay tahimik pa rin si Rob tungkol sa isyung ito. Kamakailan lamang ay nilinaw niya na hindi niya ginagamit si Tyronia, at kahit pa hindi niya ito tunay na anak ay minahal niya ito na parang dugo’t laman niya.

Read More: Lalaki Unang Beses na Nakita ang Mukha ng Kaniyang Pinakasalang Babae at ito ang Naging Reaksyon Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Toni Fowler, Nagpa-Tulfo na! Ready na Nakipagsagutan sa Bagong GF ni Rob Moya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments