Isa si Baby Talitha Sotto sa mga pinagkakaguluhang online sensation ngayon. Talagang kahit sino ay matutuwa sa taglay na kacute-an at kabibuhan ng anak ni Pauleen Luna at Vic Sotto. Ngunit kamakailan lang, may napansin ang mga netizens na kakaiba sa mukha ni Talitha. Sa ilang larawan ni Baby Tali, napansin nila na tila ba may puting sugat ito sa mukha.
Dahil dito, ibinunyag ni Pauleen na mayroong karamdaman si Baby Tali. Ayon sa “Eat Bulaga” host, mayroong ezcema ang kanyang unica hija, kung kaya naman nagkakaroon ito ng white spots tuwing nabibilad ito sa araw.
Read More: Toni Fowler, Nagpa-Tulfo na! Ready na Nakipagsagutan sa Bagong GF ni Rob Moya
“Shot this video for Christ The King Parish for Mary month of May. We taught her this song about a year ago and happy that she still sings it until now. Also, to everyone asking, the white spots on Tali’s face is from too much sun exposure. Tali and I both have eczema,” pahayag ni Pauleen.
Sa kabilang banda, nag-open up rin si Pauleen tungkol sa isa pang karamdaman na pinagdaraanan niya ngayon. Sa Instagram, nag-open up si Pauleen tungkol sa pagkakaroong ng PCOS, o polycystic ovarian syndrome. Ayon sa “Eat Bulaga” host, hindi rin daw madali ang kanyang sitwasyon ngayon.
“A little over a month into my fitness journey and I’m starting to feel coming back! I’ve accepted that it’s a slow progress but slow is better than none. Living with PCOS is no joke. Making good choices with my food intake moving (it’s pilates, walking, spinning for me) has been my priority lately. So happy where I am right now and I really pray that God will sustain me.”
Upang malabanan ang kanyang karamdaman, mas naging desidido raw si Pauleen na ipagpatuloy ang kanyang healthy lifestyle. Bukod sa araw araw na ehersisyo, mas naging maingat na rin daw si Pauleen sa kanyang mga kinakain.
Read Also: Construction Worker at Asawa Nito, Nakapagpatayo ng Kanilang Dream House Mula sa Kanilang Ipon!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Pauleen Luna, Binunyag na Mayroong Karamdaman si Baby Tali Matapos Mapansin ng mga Netizens ang Kakaibang Larawan Nito appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments