Heart Evangelista, Nagbabala sa Cosmetic Surgeon na Gumawa raw Umano ng Kaniyang Ilong

Sa Pilipinas, isang malaking isyu pa rin para sa publiko ang cosmetic surgery sa showbiz industry. Isa sa mga artista na madalas napagkakamalang retokada ay ang Kapuso actress na si Heart Evangelista. Sa ilang dekada ni Heart sa industriya, naranasan niya na ring maakusahan na nagpa-cosmetic surgery. Ngunit ilang beses namang nanindigan ang aktres na natural ang kanyang mukha.

Kamakailan lang, muli na namang naungkat ang isyung ito matapos may magparating kay Heart na may doktor na gumagamit ng pangalan niya.

Ayon sa isang anonymous Twitter user, isang cosmetic surgery ang nagsasabing siya ang gumawa ng ilong ni Heart. Agad namang umaksyon si Heart.

Read More: Toni Fowler, Nagpa-Tulfo na! Ready na Nakipagsagutan sa Bagong GF ni Rob Moya

“Who is this doctor because I can actually tell him I didn’t do my nose and he is lying to you. Please give me the name. You can actually sue him for lying to you,” pahayag ni Heart sa anonymous Twitter user. Ngunit hindi na nag-reply ang Twitter user, at nag-delete rin ito ng account niya pagkatapos.

Ayon pa kay Heart, hindi siya tutol sa cosmetic surgery, lalo pa’t naiintindihan niya na nakakapagpa-boost ito ng confidence at self-esteem.

Ngunit nilinaw ng aktres na wag basta basta maniwala sa mga cosmetic surgeons na ginagamit ang pangalan niya upang makahimok ng mga nais magpa surgery.

“To anyone who claimed the same to you, please message me their names. This is horribly wrong. To lie to you about this is just so so wrong. I’d rather a rumor. To anyone out there who wishes to get cosmetic surgery—I am for making yourself a better version but do not believe if they said they did my face etc—for the record, I didn’t.”

Sa kanyang nakaraang vlog, aminado si Heart na malaki ang pinagbago ng mukha niya mula pagkabata dahil sa puberty at makeup. Itinanggi niya rin na may pinagawa siya sa kanyang mukha, at makikita naman daw sa mga larawan niya dati na halos walang pagbabago ang ilong niya.

Read Also: Construction Worker at Asawa Nito, Nakapagpatayo ng Kanilang Dream House Mula sa Kanilang Ipon!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Heart Evangelista, Nagbabala sa Cosmetic Surgeon na Gumawa raw Umano ng Kaniyang Ilong appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments