Doktor, Sinagot ang Hospital Bill ng Isang Ginang Matapos Niyang Maalala ito Dahil sa Kabataan Niya

Isang emosyonal na post ang trending ngayon sa social media matapos sagutin ng isang doktor ang bill ng isang ginang na inoperahan sa ospital na kaniyang pinagtatrabahuan.

Si Vergie Robles, 64 taong gulang, ay kinailangang sumailalim sa operasyon matapos mabalian ang kaniyang kamay.

Agad naman siyang inadmit sa Perpetual Sucour Hospital kung saan humampas sa napaka laking halaga ang naging bill ng ginang.

Dating guro sa high school sa Mandaue Cebu si Vergie, kung saan inialay niya ang kaniyang oras sa pagmamahal sa kaniyang propesyon at mga batang kaniyang naturuan.

Kaya naman hindi nakapag tataka na madalas siya sa pinaka paboritong guro ng karamihan sa kaniyang mga naturuang bata.

Lingid sa kaalaman ni Vergie ay ang kakaibang talento at pag ibig na taglay niya para sa pagtuturo ang magiging isang napaka ganadang regalo para sa araw ng kaniyang operasyon.

Kwento nila, isang ginoo ang pumunta sa cashier upang bayaran ang bill ng ginang, kung kaya naman wala nang iintindihin si Vergie sa kahit anong gagastusin sa kaniyang operasyon.

Dala naman ng pagtataka ay agad na ipinagtanong-tanong ng kaniyang mga kamag-anak kung sino ang nag magandang loob na bayaran ang kaniyang hospital bill ay ganoon na lamang ang gulat nila.

Ito pala ay ang mismong doktor na nag opera sa kaniya, na naging estudyante niya maraming taon na ang nakararaan!

Ayon sa doktor, paborito niyang guro si Vergie kung kaya naman matagal na siyang bayad sa kaniyang operasyon.

Nagbigay rin ng sulat na naka disguise bilang reseta ang doctor, upang sabihin na wala na silang bayarin.

“Dear Mom Roble,

“Professional Fee – Paid 22 years ago (One of my favorite teachers!)”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Doktor, Sinagot ang Hospital Bill ng Isang Ginang Matapos Niyang Maalala ito Dahil sa Kabataan Niya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments