Julia, Inamin na Na-Trauma Siya Dahil sa Ginawa ng Tatay na si Dennis Padilla Noon

Isa si Julia Barretto sa mga pinakakontrobersyal na aktres ngayon sa showbiz. Galing si Julia sa Barretto clan, na kilala rin dahil sa mga isyung bumalot sa kanilang pamilya. Dahil dito, lahat ng aspeto ng buhay ng 24-anyos na aktres ay sinusubaybayan ng publiko, gaya na lamang ng relasyon niya sa kanyang ama na si Dennis Padilla.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na naging magulo rin ang relasyon ni Julia Barretto sa kanyang ama. Simula nang maghiwalay si Dennis at ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto, nagkaroon ng lamat ang relasyon ng mag-ama. Gayunpaman, paglipas ng panahon ay naghilom rin ito.

Read More: Heart Evangelista, Nagbabala sa Cosmetic Surgeon na Gumawa raw Umano ng Kaniyang Ilong

Kamakailan lamang, nagkaroon ng heart-to-heart talk si Julia sa kanyang ama. Ibinahagi niya ang kanilang makapagbagbag-damdaming usapan sa kanyang Youtube channel. Nagkaroon rin ng pagkakataon si Julia na ipahayag ang kanyang saloobin kay Dennis, bagay na hindi niya madalas nagagawa.

Ayon kay Julia, dumating sa punto na hindi niya kinakausap ang kanyang ama dahil labis siyang nasaktan sa mga ginawa nito sa kanya at sa kanyang ina. Kaya naman noong mga panahong iyon, ipinatanggal rin ni Julia ang surname ng kanyang ama na ‘Baldivia’ sa kanyang pangalan.

“You always feel like ‘I’m not hearing from anyone,’ not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before. That’s why you couldn’t hear from us because at that point, we were already too scared of you. Before, when we would speak on the phone, you wouldn’t have the best tone and the best choice of words and that scarred, traumatized and scared me.”

Sa kabila ng lahat, mas pinili raw ni Julia na magpatawad dahil nananaig ang pagmamahal niya sa kanyang ama. Inamin rin ng aktres na proud na proud sya dahil nakita niya ang pagbabago ni Dennis, at dahil dito ay naging malapit sila sa isa’t-isa.

Read More: Pauleen Luna, Binunyag na Mayroong Karamdaman si Baby Tali Matapos Mapansin ng mga Netizens ang Kakaibang Larawan Nito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Julia, Inamin na Na-Trauma Siya Dahil sa Ginawa ng Tatay na si Dennis Padilla Noon appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments