Matapos magbati, Jayzam Manabat, Ginulat ang Publiko Matapos Gawin ang Bagay na ito kay Camille!

Matapos magkabati ay nangako na si Jayzam Manabat na gagawin niya ang lahat upang maging maayos ang relasyon nila ng kasintahang si Camille Trinidad.

SI Jayzam at si Camille ay isa sa mga top local Youtube vloggers ng bansa na mas kilala bilang Jamill.

Sila ay may mahigit 10 million followers, kung saan gumagawa sila ng iba’t ibang videos magkasama.

Sa kabila ng kanilang tagumpay ay hindi pa rin maiwasan ang mga kontrobersya, kagaya na lamang ng nangyari sa kanila ngayong taon.

Sunod-sunod ang naging rebelasyon ng isang graphic designer and glam team na di umano hindi sinipot ng dalawa dahil sa hindi pagkakaintindihan, ngunit pinaka malala ay ang pagka diskubre ni Camille ng pang loloko ni Jayzam!

At ang malala pa ay hindi lang isa, kung hindi umabot pa sa apat na iba’t ibang babae ang kausap niya, dahilan upang magalit sa kaniya ang mga netizens.

Inilapit din nila ito sa Raffy Tulfo in Action, kung saan nag reklamo ang dalawang sangkot na babae sa pangangalunya ng vlogger.

Ayon sa unang dilag na nangngangalang Dambie, “Ah, ano kasi, Sir, tawag kasi nang tawag. Ta’s nag-aano po na send daw ako [ng litrato]. Hindi ko po alam, Sir, kung nabilog ba ako or nauto ako.”

Samantalang ang isang nangngangalang si Nyca naman, “Naaya po nila ako kasama ng mga pinsan niya, kasama ko mga kaibigan ko.

“And that time, ang sinabi niya [Jayzam] po sa akin, may iba na rin pong lalaki si Camille. They are just for publicity.

“Sabi niya, kumbaga, sila lang daw yung mga typical na artista na kailangan ‘for the vlog.’ Yun po yung na-introduce sa utak ko.”

Mahaaba-haba ang naging engkwentro ng mga sangkot ngunit sa huli ay pinili pa ring patawarin ni Camille si Jayzam.

Sa kanilang pinaka bagong vlog ay ibinihagi ni Jayzam kung paano niya binabawing muli ang tiwala ng kaniyang kasintahan, at ginawan niya pa ito ng kanta!

Ang kanta naman ay patungkol sa kanilang “bagong simula” at pagpapasalamat na may isang Camille sa kaniyang buhay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Matapos magbati, Jayzam Manabat, Ginulat ang Publiko Matapos Gawin ang Bagay na ito kay Camille! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments