CLAIM: Pinahihintulutan ng Netherlands ang pagkonsumo ng mga mapanganib na droga na ipinagbabawal sa Pilipinas.
RATING: HINDI TOTOO
Nagbahagi ng isang video online si aspiring politician Jimmy Bondoc at maling inihayag na legal sa Netherlands ang paggamit ng iba’t ibang mapanganib na droga, na syang ipinagbabawal dito sa Pilipinas.

Red flag: Noong Feb. 28, nag-upload si Bondoc sa kanyang opisyal na Facebook page ng isang spliced news report mula sa One News, kung saan inabala ng isang Dutch ang kanilang reporter habang nag-uulat ito nang live sa The Hague.
- Ang sabi sa caption ng video, “Alam niyo ba na sa Netherlands, ligal ang maraming droga na dito sa atin ay ipinagbabawal? Kaso nga lang, hindi lang marijuana kundi iba pang mas mabibigat at baka mapinsalang uri. Panuorin ang video para sa karagdagang kaalaman.”
- Ang nakapatong na text sa video ay nagsasabing, “ALAM NIYO BA NA SA NETHERLANDS LIGAL ANG MARAMING DROGA?”
- Sa bandang huli ng video, mapapanood ang clip ng dating pangulong si Rodrigo Duterte na nagsasabing, “My God, I hate drugs.”
Mga Resibo: Bagama’t hinahayaan ng Netherlands ang pagbebenta ng mga produktong cannabis para sa panlibangang konsumo, mariing ipinagbabawal pa rin ang pagmamay-ari, pagbebenta, at ang produksyon ng mga tinatawag na “hard drugs.”
- Sa Opium Act of 1976 ng Netherlands, tinukoy ang mga hard drugs bilang mga narkotiko at psychotropic substances na lubhang mapanganib at nakasasama sa kalusugan ng tao at ng lipunan.
- Kabilang sa mga substances na nakalista sa Schedule 1 ng Opium Act ang heroin, cocaine, amphetamines, at ecstasy, na ipinagbabawal din sa Pilipinas.
- Gayunpaman, ang paggamit ng soft drugs, tulad ng marijuana, hashish, at psilocybin, ay pinahihintulutan dahil sa kaunting panganib na maidudulot nito.
- Ang mga sedative tulad ng Valium at Seresta ay kabilang din sa kategoryang “soft drugs” sa Netherlands, ngunit mahigpit pa rin ang regulasyon at karaniwang nangangailangan ng reseta ng doktor para sa legal na paggamit ng mga ito.
Rewind: Si Bondoc ay isang masugid na tagasuporta ni dating pangulong Duterte na kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
- Si Bondoc ay kabilang sa mga kilalang personalidad na sumuporta kay Duterte noong halalan para sa pagkapangulo noong 2016; matapos manalo si Duterte, tinalaga si Bondoc na manungkulan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
- Noong 2025, nabigo siyang makakuha ng puwesto sa Senado noong tumakbo siya sa ilalim ng partido ng pangulo, ang PDP-Laban.
Bakit ito may fact-check: Ang video ay nakapagtala na ng 88,000 views, 1,600 reaksyon, at 97 komento sa oras ng pagsulat.
- Si Bondoc ay isang pampublikong personalidad na may 587,000 Facebook followers.
- Hayagang niyang kinuwestiyon ang hurisdiksyon ng ICC sa kaso ni Duterte, at inakusahan ito na nag-a-”outsource” ng mga testigo laban sa dating pangulo.
Bantay-fake: Mula nang maaresto si Duterte, naging target ang ICC at ang Netherlands ng mga maling pahayag mula sa mga pampublikong personalidad at social media trolls na pro-Duterte.
- Tinarget ng ilang Facebook accounts ang ICC at malisyosong tinawag itong “kangaroo court,” isang termino para sa huwad at hindi patas na proseso ng hudikatura.
- Gumagamit din sila ng iba pang mga label, tulad ng “crocodile court” o “cash court,” upang ipahiwatig na ang ICC ay isang tiwaling institusyon.
- Noong nakaraang taon, ang sunod-sunod at organisadong mga komento ang naging dahilan kung bakit ang mga content na may kinalaman kay Duterte ang may pinakamaraming interaksyon sa lahat ng post na inilathala sa opisyal na Facebook page ng korte. Savannah Lantay
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: K-12 program not abolished
The Department of Education (DepEd) has not removed the Senior High School level in the upcoming academic year, contrary to a claim circulated across Facebook community groups.
FACT-CHECK: Friday classes in public schools not suspended amid massive oil price hikes
A fake graphic circulated on Facebook by multiple accounts falsely claimed that all classes in public schools every Friday have been suspended starting this March.
FACT-CHECK: Facebook pages are faking political quotes from public figures ahead of target 2028 elections
Multiple Facebook pages are pairing photos of public figures with fabricated captions or quotes to falsely represent their political stances ahead of the elections in 2028.


0 Comments