FACT-CHECK: Pekeng video ng pag-aresto kay Quiboloy, kumalat online

CLAIM: Makikita sa isang Facebook reel ang umanong pag-aresto kay Apollo Quiboloy. 
 
RATING: ALTERED

 

May isang manipuladong video ng umano’y pag-aresto sa puganteng pastor na si Apollo Quiboloy ang kumakalat ngayon sa Facebook.

Ang pinekeng video ay may kalakip na mga katagang nagsasabing “10M nakuha na,” kahit pa hindi totoo na may nakatanggap na ng P10-milyong pabuya para sa impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng pastor. 

Nitong Agosto 24, nagtungo ang puwersa ng Philippine National Police sa compound ng Kingdom of Jesus Christ o KOJC sa Davao City upang hanapin at hainan ng warrant of arrest ang nagpapakilalang “appointed son of God” at ang iba pang mga kapwa nito akusado. 

Sa isang press conference ng Police Regional Office 11 noong Setyembre 3, sinabi ng mga opisyal na may isang tip unamo na nagturo sa kanila na salakayin ang isang silid na ginamit bilang hideout ng pastor, ngunit wala silang natagpuan. 

Gayunpaman, ayon kay Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, ang mga damit at iba pang gamit mula sa loob ng silid ay tumutugma sa sukat ng pangangatawan ni Quiboloy.

Noong Setyembre 8, kinumpirma ni Interior Secretary Benhur Abalos sa isang Facebook post na naaresto na si Quiboloy.

Ang nasabing pekeng video ay umani ng 3.6 milyong views, 11,300 reactions, 3,600 comments at 1,300 shares. Leigh San Diego (Translated by: Mery-anne Alejandre) 


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments