FACT-CHECK: Peke ang video ng milyon-milyong mga tao na nagpapakita ng ‘pagmamahal’ sa dating Pangulong Duterte

CLAIM: May nakuhang video ng nangyaring pagtitipon ng milyon-milyong mga tao para ipakita ang pagmamahal nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Nag-post ang isang TikTok user ng isang minanipulang video kung saan pinapakita ang napakaraming tao na umano’y mga Pilipino daw na nagpapahayag ng pagsuporta kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Naka-lagay din sa pineke na video ang mga katagang “s[o]brang mahal ng mga taong bayan [ang] mga [D]uterte mula noon hanggang ngayon.” 

Ang video ay nilapatan din ng tunog ng mga taong sumisigaw ng pangalan ni Duterte, kasama ng isang indibidwal na nagpapakita ng kanyang pagka mangha.

Ngunit sa katunayan, ang orihinal na video ay mula sa isang Facebook reel na ibinihagi ng isang Timorese noong Sept. 7 sa kasagsagan ng pag bisita ni Pope Francis sa Timor-Leste.

May hiwalay na angulo ng pagtitipon ang ibinalita naman ng “Dili post”,  isang news organization sa Timor Leste, patunay na ang video ay kuha sa ibang bansa.

Ang minanipulang video ay nakakuha ng 317, 900 views, 15, 900 reactions, 3,406 comments at 908 shares sa TikTok sa oras ng pagsusulat. Leigh San Diego (Translated by: Aaron Bartilad)


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments