FACT-CHECK: Kumalat ang minanipulang larawan ng mga taong humihiling na sumailalim si Marcos Jr. sa drug test

CLAIM: Mayroong  grupo ng mga tao na may hawak ng banner na nag-uudyok kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa drug test.
 
RATING: ALTERED

 

Nagpost ang Facebook page na “VOVph” ng isang minanipulang larawan na nagpapakita na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kasama sa parada ng mga Pinoy Olympians na sinalubong naman ng grupo ng mga taong may hawak ng banner na nagsasabing “MARCOS JR, PA DRUG TEST KA NA!”

Minanipula ang naturang litrato na iyan. Ang tunay na nakasulat sa banner ay “CALOY DITO PAPA MO!”

Makikita rin sa larawan na naroon ang ama ni Carlos Yulo na pumapalakpak sa kanya kasama ang iba pang mga tao. 

Ang mga orihinal na larawan na ginamit sa post ay mga screenshot mula sa live stream ng RTVMalacañang sa pagdiriwang para sa ating mga Pinoy Olympians na lumaban kamakailan sa Paris 2024 Olympics. 

Samantala, ang ginamit naman na larawan ni Marcos Jr. sa post ay kuha mula sa isang motorcade niya noong nakaraang kampanya. Ngunit, hindi na mahanap ang orihinal na uploader ng nasabing larawan.

Sa ngayon, ang nasabing post ay nakakuha na nang  1,697 na reaksyon , 222 na komento, at 122 na shares. Leigh San Diego


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments