FACT-CHECK: Facebook personality, sinabing inamin na ni Marcos Jr. ang katotohanan sa likod ng ‘polvoron’ video gamit ang edited na larawan

CLAIM: Binasag na daw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang katahimikan at ipinahayag ang katotohanan tungkol sa ‘polvoron’ video. 
 
RATING: ALTERED

 

Nag-post ang isang kilalang personalidad sa Facebook na si “Tio Moreno” ng pekeng larawan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara “Inday” Duterte, at maling ipinahayag na si Marcos Jr. ay nagsalita tungkol sa isang video na kumakalat sa social media na umano’y nagpapakita ng kanyang pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Ang orihinal na larawan sa post ni Moreno ay isang screenshot mula sa TikTok video ng two-time gold medalist na si Carlos Yulo kasama ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose, kung saan sila ay sumagot sa mga akusasyong ginawa ng ina ni Yulo. 

Hindi naglabas ng kahit anong pahayag si Marcos Jr. tungkol sa “polvoron” video. Gayunpaman, nagsagawa ang Department of the Interior and Local Government at National Bureau of Investigation ng press briefing upang pag-usapan ang isyu na ito.  

Sa ngayon, mayroong 3,189 na reaksyon, 287 na shares, at 190 na komento ang nasabing Facebook post na ito. Leigh San Diego


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments