Vice Ganda, walang balak patulan ang mga patutsada ni Julianna!

Sa kabila ng mga sunod sunod na mga posts at tila pag ako ni Julianna Parizcova Segovia sa pa “blind item” ni Vice Ganda ukol sa kasamahan nila sa showbiz na naging political troll ay kiber pa rin ang host at comedian sa mga drama nito.

Kung matatandaan, nag kwento si Vice sa Its Showtime na may kilala siyang naging basher online, “May kilala rin ako na ganito. Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media.

“Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e. So, ‘yon yung ng effect, ginawa niya yun, kumapit siya du’n kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya.

“Kaya sabi ko sa iba naming kaibigan, huwag niyo nang patulan, di ba? Masakit man, pero yun ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin yun, di ba?

“Hindi man katanggap-tanggap, pero siguro wala na siyang choice. Mabait naman ‘yan, e, pero ngayon, magugulat ka talaga yung mga post niya, tapos nalaman namin troll pala siya.”

Agad namang nag react si Julianna dito at sinabing nasasaktan siya sa mga paratang ni Vice sa kaniya.

Sa pinaka bagong vlog na inupload ni Ogie Diaz (dating talent manager ni Vice) at ni Mama Loi sinabi mismo ng showbiz reporter na hindi si Julliana ang tinutukoy ni Vice.

“Naintindihan ko siya kung career wise kung ako ang manager ni Vice sasabihin ko, ‘wag mo nang patulan ‘yan, dedma ka kasi hayaan mo siyang mag-react, mag’isip nang mag-isip basta ang bottom line hindi siya ‘yun.”

Ang payo ni Ogie, “Juliana Parizcova sorry to tell you, hindi ikaw ang tinutukoy ni Vice Ganda. Mapanatag na loob mo, huwag ka nang masyadong magsasagot kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka nanghihingi through G-cash, unless gusto mong patulan (dahil) nag-e-enjoy ka. Kaya dedma na Juliana, hindi ikaw ‘yun.”

Vice ayaw nang patulan ang pagngawa ni Juliana Parizcova: ‘Kasi hindi naman siya ‘yung bina-blind item’


Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Vice Ganda, walang balak patulan ang mga patutsada ni Julianna! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments