Lolit Solis, pinuna ang mga kilos at galaw ngayon ni Andrea Brillantes na hindi daw akma sa edad niya

Matapos mamuntirya ng ibang mga artista kagaya na lamang nina Nadine Lustre, Maine Mendoza at Alden Richards ay ang young actress na si Andrea Brillantes naman ang nakatanggap ng unsolicited criticism ng showbiz journalist.

Sa Instagram account ni Lolit kung saan nagpopost siya ng kaniyang mga sentimyento sa mga artista ay ibinahagi niya ang kaniyang opinyon tungkol sa umano’y mga “gimmick” ni Andrea na tila hindi umano akma sa edad niya.

Ayon kay Lolit, hanga umano siya sa confidence ni Andrea ngunit tila ang mga ginagawa umano niya ay tila masyado pang maaga para sa kaniya.

“Hanga ako sa confidence ni Andrea Brillantes sa sarili niya, Salve. Talagang over the top mga gimmick niya, make up, outfit, salita, basta maloka ka na feeling in na in ang dating niya.”

“Hindi binigyang detalye ni Lolit ang mga “gimmick” na tinutukoy niya kay Andrea, ngunit sinabi nito na malaki umano ang posibilidad na maagang malaos ang aktres dahil dito.

“Siguro nga meron tapang dahil bata pa, kaya keber ang kilos at salita niya. Pero masyado siyang maaga gumimik ng ganuon, sandali lang attention span ngayon, baka after a year lang laos na ang gimmick niya. Sana she acted and just be herself muna dahil bata pa siya, dahan dahan ang ginawa niya, hindi biglaan.Ngayon iyon mga gimmick niya patok, pero hanggang kelan tatagal ? Baka magsawa agad gaya ng mga big ribbons niya, tanggalin agad , hah hah hah.”

Sa huli naman ang hiling pa rin ni Lolit na tuloy tuloy na umusbong ang career ng dalaga, “OK din siya mag isip ng gimmick, bongga , sana makatulong sa career niya. Maging brilliant sana ang Andrea Brillantes”

nk

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Lolit Solis, pinuna ang mga kilos at galaw ngayon ni Andrea Brillantes na hindi daw akma sa edad niya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments