“ANDREA LEFT THE GROUP!” Ricci Rivero, Nagsalita Na Tungkol Sa Babaeng Sexy Na Pinusuan Niya

Agad umalma ang baskeball star na si Ricci Rivero matapos itong maissue sa di umano’y “micro cheating” o pag gawa ng mga maliliit na bagay na matatawag na ring cheating, katulad na lamang ng pag rereact ng puso sa mga posts ng ibang babae, at iba pa.

Kamakailan ay ipinost ng isang Tiktoker ang screenshot ng kaniyang larawan habang ito ay nakatalikod at akmang maghuhubad ng tshirt. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan ng dalaga at ang kaniyang itim na bikini.

Ang sumunod na larawan ay screenshot ng mganag view at nag react ng story ng influencer, kabilang na rito si Ricci Rivero.

Makikitang may isang puso sa tabi ng pangalan ng basketball player, na nangangahulugang talagang pinusuan niya ang sexy photo ng babae.

Agad namang dinumog ng mga netizens ang post at tinag pa ang aktres at model na si Andrea Brillantes, ang girlfriend ng celebrity athlete.

Ngunit hindi kalaunan ay agad na nagsalita si Rivero sa Instagram at itinaggi niya ang lahat ng spekulasyon dito.

Sa kaniyang Instagram story kung saan ibinahagi niya ang mismong larawan ng di umano’y pagrereact niya, sinabi niyang hindi niya ito magagawa at halata rin umano na fake ang larawan.

“Lol 1st of all i would never do that 2nd it’s clearly edited” aniya.

Dagdag pa niya ay mas kita naman daw na mas sexy si Andrea kesa sa Tiktoker.

3rd mas sexy gf ko kesa sayo,” prangkang sabi ni Ricci na naglagay ng iyak-tawa na emojis.

Sa Twitter, nagbahagi rin ng statement ang aktres ukol sa nasabing post.

Ayon sa kaniya, talagang maraming babaeng gustong manira kapag guwapo at basketbolista ang jowa ng iba.

“Omg ganto pala pag may bf kang gwapo na basketball player??? daming gurls na gustong manira haha go lang!! secured ako,”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post “ANDREA LEFT THE GROUP!” Ricci Rivero, Nagsalita Na Tungkol Sa Babaeng Sexy Na Pinusuan Niya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments