Sikat na artista, inamin na nais na ring iwan ang showbiz dahil dito!

Kahit ang ating mga batikan at pinaka magagaling na artista ay naiisipan pa ring tumigil sa pag arte sa kabila ng tila walang katapusang pagmamahal sa kanila ng kanilang mga fans.

Kasama na rito ang Diamond Star na si Maricel Soriano, na hindi na mabilang ang mga award na natanggap mula sa samu’t saring mga pelikula at palabas na ginanapan niya.

Ayon kay Maricel, tulad ng iba ay naisipan niya na ring mag retiro.

Ngunit bilang isang natural na aktor ay hindi mawawala sa kaniya ang kagustuhan na gumawa ng pelikula tuwing may magandang role na iooffer sa kaniya.

“Magre-retire? Oo, bakit hindi? Pero kapag may gusto akong gawin, gagawin ko ang pelikula.”

Ayon sa kaniya, ito na ang kinalakihan niyang trabaho at tanging bagay na alam niyang gawin, kung kaya naman kahit maisipan ay hindi niya pa rin ito magagawang iwanan.

“Hindi pwedeng mawala iyon eh, ‘yun lang alam kong gawin sa buhay ko at ‘yun ang love ko. ‘Yun ang bumuhay sa akin, sa pamilya ko, sa mga anak ko. Hindi ko siya pwedeng talikuran,”

Todo naman ang pagsasalamat ni Maricel para sa mga direktor at prodyusers na binibigyang halaga ang mga klasik na pelikula.

Inihayag niya rin ang kaniyang pasasalamat sa mga fans na hanggang ngayon ay buhos pa rin ang suporta sa kaniya at sa karera na binuo niya ng maraming taon.

Binigyang pugay ang Diamond Star sa Sagip Pelikula Spotlight ng ABS CBN matapos nitong i-digitally restore ang kaniyang award winning movie na Ama, Ina, Anak na ipinalabas sa KTX.ph noong Abril.

Mapapanuod din dito ang iba pang mga palabas ni Maricel kabilang na ang “T2,” “Kung Kaya Mo, Kaya Ko Rin,” “Mila,” “Separada,” at “A Love Story.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Sikat na artista, inamin na nais na ring iwan ang showbiz dahil dito! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments