Herlene “Hipon Girl” Budol, Ganito Pala Talaga Katalino Na Hindi Alam Ng Publiko

Pinahanga ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang kaniyang mga fans sa laki ng kaniyang improvement pagdating sa Question and Answer portion matapos siyang sumabak sa sample Q&A ng first ever vlog ng LGBTQ couple na sina Apple at Aian sa kanilang YouTube channel na FAMngarap.

Nang malaman niya na magkakaroon ng tanungan sa vlog ay agad na nagpa disclaimer ang comedienne-beauty queen.

“Teka lang, ha. Hindi pa ako masyadong nagtu-tutorial sa jutakan [utakan], kaya ngayon pa lang ako nag-start. Don’t expect too much muna,” ani Herlene.

Unang hiningi kay Herlene ang kaniyang opinyon ukol sa mga transgender woman na nais sumali sa mga patimpalak gaya na lamang ng Miss Universe.

Sagot ng dating Wowowin host, “Para sa akin, nirerespeto ko yung ano ang desisyon nila [trans women].

“Pero para sa akin lang ‘to, ah, may pageant para sa kanila na kaya nilang mas panindigan o bigyan ng mas magandang laban, at ng hustisya yung pinaglalaban nila sa kanilang gender.

“Kaya para sa akin, may [pageant] para sa kanila.”

Sumunod naman ang isang hypothetical question.

“Kung ikaw ay magkakaroon ng karelasyon na tomboy o trans man at kayo ay mag-aanak, ano ang mas preferred mo, IVF (in vitro fertilization) o adoption?”

Sagot ng Bb. Pilipinas candidate, “Sobrang lalim ng tanong na iyan.

“Pero para sa akin, ha, my own opinion pa rin ito, pipiliin kong mag-adopt.

“Kasi, bukod sa… IVF ba tawag dun? Pang-may budget lang iyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

“Kasi, kagaya ko, halimbawa, wala akong budget, bakit ko pa ipu-push ang magkaroon ng ganoon kung kaya ko naman mag-adopt?

“’Tapos makatulong pa ako sa mga kabataan na kulang sa pagmamahal ng magulang, financial, na hindi kayang suportahan ang paglaki nila.

“So, ako itong magiging hero nila, magiging magulang nila, na hindi ko man sila isinilang, pero kaya ko silang maging tunay na anak sa puso’t isipan ko.

“Pagtulong ko na rin sa kapwa Pilipino.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Herlene “Hipon Girl” Budol, Ganito Pala Talaga Katalino Na Hindi Alam Ng Publiko appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments