Skusta Clee, binati ang anak na si Bia kahit hindi nakadalo sa 1st bday party nito!

Kahit hindi man nakadalo sa ika unang kaarawan ng kaniyang unica iha na si Zebianna o mas kilala na si Baby Bia ay sinigurado ng singer at rapper na si Skusta Clee na mababati niya ito online.

Anak ni Skusta si Bia sa vlogger na si Zeinab Harake.

Sa kaniyang pinaka bagong Instagram post, ibinahagi ni Skusta o Darryl Borja Ruiz sa totoong buhay ang iilan sa mga never the seen photos nila ng anak, kabilang na ang kanilang mga kulitan.

“Happy birthday sa nag-iisang pinakamagandang butterfly ng buhay ko. Mahal ba mahal kita anak,” ani ng singer sa caption.

Bagamat hindi kinukumpirma ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon ay tila malinaw na sa kanilang mga fans na muli na namang naghiwalay ang dalawa at tinuturong si Skusta ang dahilan ng kanilang pagkakalabuan.

Kung kaya naman bukod sa mga happy birthday wishes na makikita sa comment section ng post ng rapper ay puno rin ito ng paalala mula sa mga netizens:

“Pwede pang maayos yan basta magbago ka na. Laging isipin, kahit gaano kalaki ang pinag-awayan, nadadaan sa maganda at maayos na usapan. Don’t let the child feel the pin at her early age,”

“Sana maging okay na kayo kasi FAMILY na kayo eh. Both of you daryl and zeb super fan nyo ko tapos na kayo sa stage na teenage or what! Normal sa family may pagdaanan pero sana marunong kayo both magunawaan at lagi nyo pag-usapan kung may problema kayo mag-asawa. Sana maging okay na kayo kawawa si baby Bia.”

“Be strong and man enough for Bia and Zeinab,”

Samantala, hindi rin malinaw kung hindi imbitado o sadyang hindi dumalo si Skusta sa birthday part ng anak.

Sa speech na ibinigay ni Zeinab upang magpasalamat sa matagumpay na selebrasyon ni Bia, tila nagpahiwatig ang vlogger sa kanilang paghihiwalay.

“Ang saya kasi may mga nawala man pero may mga solid na bumalik at talagang mamahalin ako hanggang dulo at hindi ako sasaktan.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Skusta Clee, binati ang anak na si Bia kahit hindi nakadalo sa 1st bday party nito! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments