Nanganak na si 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez sa isang napaka cute na baby girl!
Sa pinaka bagong Instagram post nito, ibinahagi niya ang larawan ng kaniyang unica iha.
“Our little princess, Luna Teresita Rayn,” tanging caption ng Kapuso actress.
Matatandaang noong December 18, 2021 unang ibinulgar ni Winwyn ang tungkol sa kaniyang pagdadalang tao.
“Yes, I am so happy, me and my partner were both so happy. My family, everyone.
“Super saya namin and I decided na, me actually and my partner, to share this wonderful news sa inyo.
“Gusto kong sabihin sa inyo yung nangyari sa akin and yung blessing na ibinigay sa amin.
“We’re so happy, my partner and I are so happy. We’re over the moon and I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start.” ani Winwyn sa Youtube channel niya matapos niyang ibahagi ang vlog ng kaniyang pagbubuntis.
Ngunit sa kabila nito ay tikom pa rin ang bibig ng first time mom ukol sa identity ng kaniyang partner.
Ani ng beauty queen, privacy ang pangunahing dahilan kung bakit ayaw niyang ibulgar ang katauhan ng kasintahan.
Wala rin umanong katotohanan ang lahat ng mga haka-haka na baka may “sabit” o may asawa’t anak na ang partner nito kaya ayaw niyang ishare sa publiko.
“Just for the sake of clarifying, wala akong ibang anak. Wala rin akong ibang asawa o partner.
“There’s certain things lang na still nice to keep private.”
Dahil sa pagiging public figure ng aktres, alam ng lalaki na mahirap protektahan ang kanilang private life kung sakaling maisipan nilang maging all out sa social media.
“So, as much as possible that you can keep it, maganda na maki-keep mo siya.”
Dagdag ni Winwyn, “In short, privacy lang talaga and makikilala niyo naman din siya in time.”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Sikat na artista ipinakita na sa publiko ang kanyang unang anak na isang napakalusog na baby girl appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments