Seth Fedelin Nagsalita Na Matapos Maging Official Ang Relasyon Nina Andrea at Ricci!

Hindi maikakaila na ang love team nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes ang isa sa mga pinaka-kinakikiligan at pinakahinahangaang love teams sa showbiz industry.

Nabuo ang kanilang love team sa 2018 ABS-CBN teleserye na pinamagatang Kadenang Ginto. Magmula noon ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Marami ang bumilib sa talento ng dalawa at pati na rin sa kanilang unforced chemistry kung kaya’t ang Kadenang Ginto ay nasundan pa ng iilang proyekto.

Ang SethDrea ay bumida rin sa mga proyektong “Huwag Kang Mangamba,” “Saying Goodbye,” at “Wild Little Love.”

Talaga namang palaki na nang palaki ang fandom ng SethDrea at marami sa mga fans nila ang umaasang magiging reel to real ang kanilang love team.

Nitong Sabado, April 9, ay tila naglaho ang pangarap nang ilang SethDrea fans matapos maging official ang relasyon nina Andrea Brillantes at UP Maroons basketball player Ricci Rivero. Kalat na kalat sa social media ang video kung saan inalok ni Ricci maging girlfriend si Andrea Brillantes kung saan agad naman itong nagYES.

Marami ang kinilig ngunit marami rin ang nagtaas ng kilay at tila inaalala kung paano na ang other half ng SethDrea loveteam.

Inaasahan ng netizens na magagalit si Seth Fedelin sa ginawang pang-iiwan ni Andrea sa kaniya sa ere ngunit kasalungat nito ang nangyari. Sa isang Instagram live noong April 10 ay ipinagtanggol ni Seth Fedelin ang kaniyang kaibigan sa mga bashers.

“Biglaan lang itong live ko nuod kayo. Alam niyo na bakit ako nag-live guys. Hindi ko na kailangan mag-explain. Basta manuod lang kayo. Kaya naman ako nandito, kasi gusto ko lang magsalita. Ngayon ako magsasalita kasi hindi na maganda yung mga nababasa ko. At hindi ako magsasalita para sa sarili ko. Magsasalita ako para din sa kaibigan ko,” pagsisimula ng batang aktor.

“Paano ko ba ito masisimulan? Kasi yung mga nababasa ko unfair, napaka-unfair dahil wala po kayong alam. Unfair po para sa kaibigan ko na makabasa at makarinig ng mga salita na wala tayong karapatan para banggitin. Kahit ako, walang karapatan na magbanggit ng mga ganung salita. At ako mismo, para lang din alam niyo guys, alam ko kung ano talaga ang nangyari. Alam namin kung anong nangyari. Alam nung mga kaibigan namin kung anong nangyari.

“Ito hindi ko na natiis talaga kasi sobra na guys. Nawawalan na tayo ng respeto. Hindi na tama yun. Hindi na deserve ng kaibigan ko na makarinig ng mga ganung salita, ganung mga pekeng balita. Hindi niya deserve. Kaya tama na guys, tama na po. Please lang tama na,” pagdidiin ng aktor.

Dagdag pa nito na hindi siya apektado sa relasyon nina Ricci at Andrea at mas lalong hindi ito galit.

“Wala akong galit. Ang meron ako tuwa dahil deserve ng kaibigan ko na may gumawa sa kanya ng ganung bagay. Ipagsigawan siya sa publiko. Kaya happy ako. Wala akong anything negative na nararamdaman. Dahil alam ko ang totoo guys. Kami ang nakakaalam ng totoo. Kaya kayo, magsitigil na kayo. Yun lang guys, tama na. Kaya lang naman ako nandito para sabihin ito. Para tumigil na. hindi na madugtungan ng kung ano pa.

“Dahil so far, sa mga nababasa ko, sa mga naka-tag sa akin, sa mga nakikita ko sa social media ko, nagbubukas ako, hindi na tama. At saka may mga bagay na walang kuwenta. Itong live na ‘to, hindi ko buburahin itong live na ‘to guys para may makapanuod pa rin,” aniya.

Sa huli ay hiniling na lang ni Seth na suportahan ng netizens si Andrea at Ricci sa kanilang relasyon gaya ng pagsuporta nito sakanila.

“Suportahan na lang natin. Huwag na tayo sumira. Yun na lang guys. Hindi na tama yun dahil ako mismo suportado ko. Suportado ko silang dalawa. Yun lang. walang dapat madehado dito. Kasi alam natin ang totoo. Kaming dalawa ang may alam kung anong totoo guys. Kayo wala kayong alam, wala kayong idea. Hindi tama lalo na’t babae. Parang wala naman tayong respeto guys sa mga magulang natin, sa mga nanay natin. Hindi ako magsasalita para sa sarili ko. Nagsasalita ako para sa kaibigan ko,” dagdag ni Seth.

“Meron pa kaming show na ipapalabas. Suportahan po natin. Huwag tayo manira ng tao. Dito lang ako nagsalita guys. Nagsabi na ako. Hinihintay niyo ‘to. Ito narinig niyo na mismo sa akin. Tapos na po. Ito yung nararamdaman ko ngayon sinasabi ko sa inyo. Respetuhin lang natin mga kapwa natin. Huwag tayo manira. Mahal namin kayo at excited kami mapanuod niyo ang Lyric and Beat,” pagpapatuloy niya

The post Seth Fedelin Nagsalita Na Matapos Maging Official Ang Relasyon Nina Andrea at Ricci! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments