Tila hindi na nakapagpigil ang aktres na si Sunshine Cruz kung kaya’t pinatulan na nito ang laiterang basher sa social media.
Nagbitaw ng palaban with class na mensahe ang aktres sa mga netizens na wala nang ibang ginawa kung hindi ang hanapan ito ng kapintasan.
Sa Facebook account ni Sunshine Cruz ay ipinost nito ang mga negative na comments na natanggap mula sa netizens na tila hindi matanggap na kaya pa nitong mag workout kahit na ito’y may edad na.
Sa viral post ay makikita ang ilang mga screenshot ng hate messages na natanggap ni Sunshine Cruz sa netizens at isa na rito ang isang netizen na tumawag sa kaniyang “lola”.
Sabi nito, “Lola yung buto mo ingat din baka mabalian ka.”
Hindi naman pinalampas ng aktres ang kanega-han ng netizen at agad niya itong sinagot na sa edad na 44 ay super proud sya dahil siya’y malakas pa. Bukod pa rito ay pinayuhan rin niya ang netizen na kumain nang marami dahil mukha itong gutom at nangangayayat.
Resbak ni Sunshine, “Are you trying to insult me by calling me lola?
“Proud of my age! I am 44, healthy and happy.
“Tbh, I’d rather be a lola than be you. Kumain ka para magkaroon ng nutrition ang katawan at pag-iisip mo. You look frail and hungry. Take care and stay healthy,” ang may himig na pang-aasar pa ng celebrity mom.
Matapos ang pahayag tungkol sa “lola” ay isa namang netizen ang tumawag sa kapatid ni Sunshine Cruz na isang Tigulang. Ang tigulang ay salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay matanda na.
Sabi ng kaniyang hater, “Tigulang na gyod.”
Kontra naman ng aktres, “My sis is 54 and she obviously looks good for her age. Ageing happens to everyone po.
“Let’s not make it seem na ang pagtanda ay dapat ikalungkot at ikahiya. Blessing po ang mabigyan ng pagkakataong maging ‘tigulang,’” pagtatanggol pa ni Sunshine sa kapatid.
Sa isa pang screenshot na ipinost ng aktres ay tinawag naman siyang “kwaknit” o paniki ng netizen, “Still stunning look the outside… ang loob kaya ng sa panty baka matandang kwaknit.”
Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na bumwelta ang aktres.
Samantala, sa kaniyang Instagram account ay nagpost ng isang paalala si Sunshine Cruz para sa mga followers nito. Pinaalalahanan niya ang mga ito na hindi tmang mang-insulto ng isang tao dahil sa edad nito.
“Guys! Hello! Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing.
“Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many. Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ to hurt, insult or describe a person.
“I am proud of my age. At 44, I am healthy and happy.
“Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating mga edad. Stay safe and healthy everyone. Magandang Hapon po,” ang buong mensahe ni Sunshine.
The post Sunshine Cruz Matapang Na Sinagot Ang Basher Na Tumawag Sa Kaniyang Lola! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments