Napuno ng hiyawan ang basketball court kung saan ginanap ang season 84 ng UAAP men’s basketball tournament matapos makakuha ng dalawang panalo si Ricci Rivero!
Sabado, April 9, 2022 ay nagtapat ang UP Maroons at FEU tamaraws sa isang basketball game kung saan nasungkit ng Maroons ang panalo. Natapos ang laro nang 83-76 lamang ang University of the Philippines.
Ayon sa Rappler ay si Lucero ang nagpanalo sa laro matapos itong makakuha ng double-double of 27 points and 12 rebounds sa nasabing laro.
Tila hindi lamang isang panalo ang naiuwi ni Ricci Rivero sa araw na ito!
Sa katunayan, usap-usapan ngayon sa social media ang viral video ni Ricci Rivero kung saan inaya nito si Andrea Brillantes na maging ganap na girlfriend niya.
Sa viral video ay maririnig na pinasalamatan ni Ricci Rivero ang aktres sa panonood ng kaniyang laro. Kasunod na nito ay ang katanungang matagal nang hinihintay ng lahat.
“Thank you for coming today. I would like to ask Blythe [Andrea’s nickname] if you could be my girlfriend?” Tanong ni Ricci Rivero habang dalawang lalaki ang nasa likod ng young actress na may hawak na jersey at may tatak na “yes” at “no.”
Hindi nagdalawang isip ang aktres at agad na kinuha ang t-shirt na may tatak na “YES” bilang isang kumpirmasyon na tinanggap na nito si Ricci Rivero bilang kaniyang boyfriend.
Hindi man magawang lapitan ng basketball player ang aktes dahil nase bleachers ito, ay nagbitaw naman ng matamis na salita si Ricci Rivero bago ito tuluyang umalis sa court.
Isang malakas na “I love you” ang sinambit ng basketball player para sa kaniyang girlfriend .
Matatandaan na nitong March lamang ay kumalat ang balitang may relasyon ang dalawa matapos makita si Andrea Brillantes sa isang viral video na suot ang jersey ng UP Maroons may numerong 25.
Si Ricci Rivero ay miyembro g UP Maroons. Tanyag ito sa pagiging mahusay na basketball player na ngayo’y sumasabak na rin sa industriya ng showbiz.
The post Ricci Rivero Nakamit Ang Matamis Na OO Ni Andrea Brillantes! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments