Asawa Ni Baron Geisler, Gusto Daw Makipag Hiwalay Sa Aktor Dahil Sa Bagay Na Ito

Matapang na inamin ng aktor na si Baron Geisler ang totoong sitwasyon ng kaniyang kasal ngayon sa asawang psychologist na si Jamie Evangelista habang nasa kalagitnaan ng Vivamax Summer Campaign presscon ilang araw ang nakararaan.

Hindi itinanggi ni Baron na nagkakaroon ng rough patch ang kanilang relasyon at kasalukuyan siyang naninirahan sa isa sa kanilang mga sponsors sa kasal ni Jamie.

Ayon pa sa aktor, sumasailalim siya muli ngayon sa isang professional program upang maisalba ang kanilang kasal.

Ito ay isang recovery process na konsepto ng Alcoholics Anonymous na mayroong 12 guidelines. Dagdag ni Baron, nakatutulong umano ang programang ito na mailayo ang sinumang mayroong adiksyon sa alak.

“Jamie and I followed the advice of our sponsors to take a break and seek treatment as we renew our efforts to each work on our 12-step program,” pahayag ni Baron.

Umaasa pa rin ang action star na muli silang magkabalikan ng asawa. “Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw,”

Samantala sa isang post kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng nag congratulate sa kaniyang pagtatapos ng degree sa Theology, ibinulgar ng aktor na nanghihingi na ng annulment si Jamie.

“Guys, I appreciate your congratulatory messages but I really did not work that hard to earn a degree in Theology, I take it as a blessing.

“I am still a work in progress. I’m still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future,”

Nanawagan din siya sa Viva films na maging progresibo sa pag prodyus ng mga pelikula.

“Hopefully, Vivamax will create movies that promote good family values and not just soft porn content for the reason that sex sells.

“Invest in acting workshops and character development. It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man.”

Dito ay binanggit na niya na isa ito sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon sila ng problema ng asawa.

“I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Asawa Ni Baron Geisler, Gusto Daw Makipag Hiwalay Sa Aktor Dahil Sa Bagay Na Ito appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments