Pokwang, Hindi Mapigilang Maging Emosyonal Matapos Ikwento Ang Pagkawala Ng Kanyang Anak

Bilang isang ina, isa sa pinaka masakit na maaring mangyari sa iyo ay ang mawalan ka ng anak.

Kung kaya naman para sa aktres at komedyante na si Pokwang, kahit matagal na panahon nang pumanaw ang kaniyang 5 taong gulang na lalaking anak na si Shin dahil sa brain ailment ay tila hindi pa rin kayang maghilom ng sugat sa puso niya.

Sa Mother’s Day special ni Karen Davila para sa Youtube channel niya, inimbitahan nito si Pokwang upang magkuwento tungkol sa buhay niya bilang isang ina at anak.

Ngunit hindi na napigilan ng komedyante na maiyak noong sinimulan niyang pag usapan ang kaniyang naging karanasan matapos siyang mamatayan ng anak habang noong siya ay nasa Abu Dhabi pa bilang OFW.

Sa isang episode naman ng Chika Besh noong 2021, ibinunyag niya na hindi niya inaalala ang death anniversary ng kaniyang anak.

Para sa kaniya, mas nais niyang sariwain ang birthday nito dahil ito ang araw na pinahiram sa kaniya ng Panginoon ang kaniyang baby boy.

“Hindi ako nag-se-celebrate ng death anniversary, sa akin lang, i-celebrate natin ’yung birthday niya, ’yung araw na ibinigay siya sa akin…don’t forget to celebrate. ” aniya.

“’Pag birthday niya at ’pag Christmas hindi kami nawawalan ng food na paborito niya at syempre kapag araw ng mga patay at every day pinagpi-pray ko siya,

Lahat ng nanay ang pinakamasayang memory is ’yung nabiyayaan ka ng isang anghel. Pinakamasaya ’yung unang yakap ko sa kanya, hindi mawawala ’yun as a nanay.” dagdag ni Pokwang.

Anak ni Pokwang si Shin sa dating asawang Hapon noong wala pa siya sa showbiz.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Pokwang, Hindi Mapigilang Maging Emosyonal Matapos Ikwento Ang Pagkawala Ng Kanyang Anak appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments