Zeinab Harake, hindi mapigilang maiyak matapos mabasa ang message ng tatay niya

Matapos humarap ng vlogger na si Zeinab Harake sa publiko sa kaniyang pinaka bagong interview sa Youtube vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks upang ibulgar ang lahat ng pangloloko na ginawa sa kaniya ng rapper na si Skusta Clee ay umani siya ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

Sa interview ay inamin niya na nahuli niya sa laptop ni Skusta na marami itong kinakausap na mga babae, at mayroon pa itong isang kasalanan na matatawag niyang “brutal”, ngunit hindi na niya idinetalye pa kung ano.

Halu-halo ang reaksyon ng online people sa kaniyang interview dahil kahit naiintindihan nilang masalimuot ang napagdaanan ng vlogger ay pinili niya naman daw ito dahil ilang beses niya nang pinatawad si Skusta dati dahil rin sa pangloloko.

“Enough na Zeinab. hnd kawalan c Skusta, sya ang nawalan..🙄
Just Pray&Acceptance to move on..believe me ttwanan mu nlng blang araw, lhat ng sakit na nranasan mu..👍

“You deserve what you tolerate,sad to say dba..That’s why standards are important”

“You can never change a person, kahit ibigay mo pa lahat ng best mo, A person will change because he wants to. Love and respect yourself above all ”

“super true kaya dati naiinis tlga ako kay zeinab ng malaman kong nakikipag balikan siya sa mukhang impaktong yan itsura palang di na mapagkakatiwalaan parang laging lutang..”

Kaya naman to the rescue agad ang tatay ni Zeinab na si Daddy Harake upang ipagtanggol ang anak nito.

Ayon sa kaniya, ”There’s nothing wrong with loving the wrong person. It’s wrong when you know he’s the wrong person and still keep on loving him. You deserve better and I am always here supporting you and loving you. Love yourself coz you are worth it. Just know that after the darkest times is the happiest moments of your life. Keep on fighting and never give up. I love you soo much my little princess.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Zeinab Harake, hindi mapigilang maiyak matapos mabasa ang message ng tatay niya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments