Isang Sikat Na Aktres Ipinakilala Sa Publiko Ang Kanyang Anak Na Matagal Niyang Itinago Sa Lahat

Ginulat ng aktres na si Alice Dixson ang publiko nito lamang nakaraan matapos niyang ibulgar ang kaniyang matagal na tinatagong sikreto ukol sa kanyang sarili.

Ayon kay Alice, matagal niyang piniling ilihim ang bagay na ito sa publiko dahil kailangan niyang maprotektahan ang sikreto na hiniling mismo ng kaniyang non showbiz partner.

Ngunit ngayong Mother’ Day, ipinakilala na nga aktres ang kaniyang panganay na anak nyang si Sassa, na isang ganap na dalaga na!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Ikinawindang ito ng publiko dahil matagal nilang inakala na talagang walang anak si Alice. Bukod dito, napaka secretive din kasi ng aktres tungkol sa kaniyang personal life.

Paliwanag ni Alice, anak ito ng kaniyang asawa sa naunang partner nito, ngunit talagang anak ang turing niya rito.

Nabanggit niya rin na graduate na ito.

“Being a mom is a gift. I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice; 1st with Sassa our panganay.

“Nang dumating nabuo ang munting pamilya. Tho hindi ko sya na-introduce formally when she was a teen kasi napakaprotective ng father nya.” aniya.

Ngunit ngayon ay mas kampante na sya na ipakilala ang anak sa publiko dahil edukada at malaki na ito.

“Pero ngayon na young lady na sya at masters grad pa – the world is now her oyster. I’m so very proud the woman you are & becoming… beautiful inside and out,”

Binati rin ni Alice ang lahat ng ina at ang madrastang tulad niya.

“Happy Mother’s Day to me and all the mom matrastas like me… thank you for your greetings,”

Bukod kay Sassa ay mayroon ding anak si Alice na si baby Aura, na produkto ng pregnancy via surrogacy.\

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang Sikat Na Aktres Ipinakilala Sa Publiko Ang Kanyang Anak Na Matagal Niyang Itinago Sa Lahat appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments