Naintriga ang publiko sa inamin ng TV personality na si KC Concepcion tungkol sa isa sa mga iniingatan niyang koleksyon na galing pala sa kanyang ex-boyfriend.
Sa kanyang YouTube vlog na in-upload noong January 28, ipinasilip ng anak ni Megastar ang ilan sa mga paborito niyang lugar sa kanyang tinutuluyan na tinatawag niyang “Casa Kristina.” Ipinakita niya rin ang kanyang mga koleksyon at inilahad ang back story ng bawat gamit na ito.
Habang ibinibida niya ang kanyang dining area, isa-isang sinagot ni KC ang mga katanungan sa kanya kung saan sasagutin niya gamit ang mga gamit na makikita sa kanyang mga koleksyon.
Ang ilan sa mga gamit na isinagot niya sa mga katanungang ibinato ay mga libro, magazine noong siya ay aktibo pa sa showbiz, at ilang cook book na iniregalo sa kanya ng mga kaibigan.
Nang tanungin naman tungkol sa kung anong bagay sa kanyang koleksyon ang nais niyang basagin ngunit hindi niya magawa ay agarang ipinakita ng dalaga ang isang mug na may gold skull design.
Ayon sa kanya, galing ito sa kanyang ex-boyfriend.

“The item that I want to break but never could break is this beautiful mug given to me by my ex-boyfriend,” saad ni KC.
“You should always honor your past. Naiiyak na ko… I love you, charot!” saad nito habang nagkukunyaring umiiyak.
Habol pa niya, “You know who you are! I hate you!”
Paliwanag pa niya, nagdesisyon siya na itabi at isama sa kanyang koleksyon ang nasabing mug dahil nagustuhan niya ang kulay nito.
Ani KC Concepcion,“Again, by the way, I love gold and i love white so that’s why I decided to keep this in my collection.”
Samantalang kanya-kanyang espekulasyon naman ang mga netizens kung sino ang ex-boyfriend na tinutukoy ni KC. May iilan na nagsasabing si Piolo Pascual ang tinutukoy ng dalaga ngunit mayroon ding nagsabi na si Paulo Avelino ito.
Komento ng netizen na ito,“I’m pretty sure the mug is from Paulo Avelino. Paulo was a thoughtful one, who gave her gifts even the simpliest ones. Also they both love coffee and skulls.
It seems to me that they remained friends after because I saw Pau answered a question recently that they still talk. Hope they get to work together again,” paliwanag pa niya.
Matatandaang 2011 nang maghiwalay sina Piolo at KC samantalang 2013 naman nang isapubliko ni Paulo Avelino ang kanyang panliligaw sa dalaga.
2015 nang aminin ni Paulo na magkaibigan na lamang sila ni KC.
The post KC Concepcion, inaming hindi niya kayang basagin ang regalong mug ng ex-boyfriend! Sino kaya ang ex na kanyang tinutukoy? appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments