Kakaiba ang naging paaran ng isang babaeng taga Guilin, Guangxi, China sa pakikipag-areglo sa lalaking kanyang nabangga sa kalsada.
Ayon sa mga nakasaksi, nagkaroon ng kumusyon matapos magkabanggaan ang dalawang sasakyan sa isang kalsada sa China. Babae ang sakay ng nakabanggang kulay brown na BMW samantalang ang lalaking nabangga naman ay gamit ang isang kulay silver na sasakyan.
Marami ang nagulat dahil imbis na pagtatalo at sigawan ang masaksihan, tila kabaligtaran nito ang nangyari. Napansin ng mga residente na maamong nakipag-usap ang babaeng nakabangga sa lalaki. Kapansin-pansin rin ang pakikipag-holding hands nito sa lalaki at ang paghaplos nito sa katawan ng lalaki na para bang handang ialay ang sarili magkaayos lamang sila.
Dahil sa kanilang mga “sweet gestures” nagmistulang magkasintahan na nagsusuyuan ang eksena ng dalawa. Imbis na magalit ang lalaking nabangga, tila lumambot ang puso nito dahil sa pakiki-usap na ginawa ng babae at hindi na ito pinagbayad sa mga sira ng kanyang sasakyan.
May iilan daw na nakarinig na nakiki-usap ang babae at sinasabi nitong, “Everything can be solved.” Pinangakuan din nito ang lalaking nabangga at sinabing, “You can do anything.”
Hindi naging malinaw kung ano ang napagkasunduan ng dalawa at kung ano ang kapalit sa perwisyong nagawa ng babae. Gayunpaman, marami ang nagsasabi na naging mabilis ang pag-aareglo mula sa magkabilang panig.
Nagpapatunay lamang ang pangyayaring ito na ang lahat ng mga aksidente at hindi inaasahang pangyayari ay pwedeng resolbahin at mapag-usapan nang maayos. Hindi na kailangan pang umabot sa gulo at sakitan.
Isang paalala rin ito sa atin na kailangang maging alerto at madiskarte sa tuwing nasa kalye dahil napakaraming aksidente ang pwedeng mangyari sa bawat araw. Sa halip na makipagtaasan ng pride, at makipag-away, matuto tayong pakipagnegosasyon at magpakumbaba lalo na kung alam nating tayo ang may kasalanan.
Mahalaga ang buhay ng bawat tao kaya naman nararapat lamang na pahalagahan ito at ilayo sa mga kapahamakan.
The post Isang babaeng nasangkot sa banggaan, inialay ang sarili para makipag-areglo sa nabanggang driver appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments