Anak ng isang PWD, dismayado sa staff ng Wowowin matapos hindi papasukin ang ama sa programa

Dismayado at nanggagalaiti ang netizen na si Antonette Bernaldez matapos hindi papasukin sa programa ni Willie Revillame na Wowowin ang kanyang amang mayroong kapansanan.

Sa kanyang Facebook post na ibinahagi, sinabi ni Antonette na hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagtrato sa kanyang ama ng mga staff ng nasabing programa dahil hindi naman daw malala ang karamdaman ng kanyang ama para makaranas ng diskriminasyon.

Ayon sa kanya, ang isang mata lamang ng ama ang bulag at ang isa ay nakakakita pa. Wala itong kahit na anong nakakahawang sakit at malakas pa kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang sinapit nito.

Ani Antonnette, “Di ako makatiis.. Ayaw ko magpost di ako palapost pero hindi talaga ako makatiis sobrang bigat sa puso lalo na pag magulang mo na yung naaagrabyado. Shoutout po sa staff ng Wowowin.

“Sobra naman yung ginawa niyo sa papa ko, hindi nio pinapasok kasi daw may disablty? Yung tao gusto lang magsaya at maglibang, sobra namang dscrimntion ginawa niyo sa tao. Isang mata niya lang ho ang hindi nakakakita, di siya totally bulag. Healthy at sobrang lakas. Maka-kapnsanan naman kau. Be sensitive. Nanliit tuloy ung tao sa sarili niya.”

Sa kabila ng kapansanan ng kanyang ama ay marami raw itong trabaho at hindi pabigat sa kanilang pamilya o sa kahit sinong tao.

“My papa have multiple jobs, baka nga mas skilled pa sainyo tatay ko. He is not a liablity gaya ng pinapamukha niyo. May matinong trabaho, sobrang sipag at walang inaasahang tulong sa kahit kanino. Nabuhay kami at nairaos sa marangal na paraan,” dagdag pa niya.

Hindi mapigilan ni Antonette na maging emosyonal dahil masaya at excited daw na umalis ang kanyang ama sa kanilang bahay para lamang makita si Willie Revillame na matagal na nitong hinahangaan.

Kasama raw nito ang grupo ng mga rider ngunit ang kanyang ama lamang ang hindi pinapasok.

Saad pa niya, “Kaya sobrang bigat at sama sa loob na mamaliitin nio at hindi nio papapasukin sa show niyo dahil lang sa sinasabi niong kapnsann niya na sa palagay ko ndi naman ganon ka big deal. Nakakaiyk pra sa isang anak na kailangan pagdaanan ng magulang mo ung ganon. Grupo sila tas tatay ko lang hindi nio pinapasok, as if naman may gagawing masama tatay ko o magiging pabigat sainyo. President pa yan ng grupo ng rider na pinapasok nio so sa paanong way magiging pabigat ang tatay ko at hindi nio pinapasok?? Excited payan halos hindi makatulog ksi nga sobrang lodi niya si Wil tapos hindi nio naman pala papapasukin. Sayang effort lumuwas ng maaga at magbyahe. Hindi ko magets. Nakakaloka kayo. Very wrong.

“Only in the Philippines, pag may kapnsann sobrang limited nang pde mong gawin. Hays. Manonood kalang ng show kailangan pa perpektong tao ka. Anong klaseng policy yan?”

Binahagi ni Antonette ang screenshot ng usapan nilang mag-ama ukol dito at makikita na tila nauwi na lamang sa pamamasyal sa mall ang ang dapat na panonood ng ama sa Wowowin.

Sinabi nito na bukod sa nalungkot, nanliit daw siya sa diskriminasyong naranasan mula sa sikat na programa na kilala sa pagtulong sa mga mahihirap at may karamdaman.

Sa huli ay nag-iwan na lamang si Antonette ng mensahe para palakasin ang loob ng kanyang ama.

“And to my Papa,

Ps: Wag kang manliit sa sarili mo. You’re my superhero, my superman. Pag-uwi ko ipapasyal kita kahit san mo pa gsto. Di mo kailangan magmakaawa dyan sa show nayan pra lang magsaya at maglibang. I got you.. I love you. See you soon,” anito.

The post Anak ng isang PWD, dismayado sa staff ng Wowowin matapos hindi papasukin ang ama sa programa appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments