Netizens, Humanga sa Kasimplehan ni Jane de Leon Habang Kumakain ng Balot sa Tabi ng Kalsada!

Isa si Jane de Leon sa mga pinakasikat na young stars ngayon sa Kapamilya network. Pinatunayan ni Jane ang kanyang husay sa pag-arte matapos makamit ang pinakaaasam na role ng Pinay superhero na si “Darna.” At sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay ay matutuloy na rin ang proyektong ito! Kaya naman marami na rin ang naka-antabay kay Jane.

Bago pa man siya matanggap sa role bilang “Darna,” napanood na rin si Jane sa iba’t-ibang pelikula at teleserye sa ABS-CBN. Ngunit kung sikat siya noon, mas lalo siyang sumikat ngayong bibigyang buhay niya ang karakter na ginampanan rin ng mga naglalakihang artista gaya nina Marian Rivera, Angel Locsin, Vilma Santos, at iba pa.

Kaya naman tutok na tutok ngayon ang publiko sa bawat kilos ni Jane. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan, hindi mo kakakitaan ng pagiging mayabang ang 22-anyos na aktres. Sa katunayan, mas lalong nai-inlove ang mga fans dahil sa pagiging humble at grounded niya kahit pa nasa rurok siya ng kasikatan.

Kamakailan lang, nag-viral ang mga larawan sa social media kung saan makikitang kumakain si Jane ng balot. Wala siya sa magarang restaurant, kundi nasa simpleng tindahan lamang sa gitna ng kalsada. Gayunpaman, walang kaarte-arte ito sa pagkain ng balot, bagay na hinangaan naman ng kanyang fans dahil patunay raw ito na walang arte si Jane sa kahit anong bagay.

Sa kabilang banda, nitong nakaraang lamang ay nagpaunlak si Jane ng panayam sa “TV Patrol.” Ibinahagi niya ang kanyang ensayo at pagsasanay para mapaghandaan ang once-in-a-lifetime role ni Darna. Bukod sa pagda-diet ay nag eehersisyo rin daw siya at ginagabayan siya ng kanyang trainer.

At matapos niyang sukatin ang costume ni Darna, hindi raw mapigilang maluha ni Jane sa tuwa. Ayon sa aktres, kinilabutan siya dahil talagang matagal na niyang inaasam-asam na matuloy ang proyektong ito na na-delay dahil sa pandemic. Ayon sa production, magsisimula ang taping ng “Darna” ngayong Nobyembre.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Netizens, Humanga sa Kasimplehan ni Jane de Leon Habang Kumakain ng Balot sa Tabi ng Kalsada! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments