AJ Raval, Hindi Inatrasan ang Banta ni Xian Gaza na May ‘Pasabog’ ito Tungkol sa Aktres!

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang namamagitan kay Aljur Abrenica at AJ Raval. Matapos ang ilang buwang pananahimik, sa wakas ay inamin na rin ng Viva starlet kung ano ang totoong namamagitan sa kanila. Ayon kay AJ, malapit sila ngayon ni Aljur at nililigawan siya ng aktor matapos itong makipaghiwalay sa asawang si Kylie Padilla.

Sa kanyang interview, buong tapang na inamin ni AJ na close na close sila ni Aljur ngayon. Ayon sa aktres, masaya siya dahil ‘boyfriend material’ si Aljur, at lagi nitong pinaparamdan sa kanya na espesyal siya. Ngunit bago pa man lumabas ang katotohanan, may iilang netizens na ang nakakaalam nito.

Kabilang na sa kanila ang social media influencer na si Xian Gaza. Bago pa man aminin ni AJ Raval ang totoong namamagitan sa kanila ni Aljur, naunahan na siya ni Xian. Nagbabala ang social media influencer na ibubuking niya sa Facebook ang kababalaghan na ginawa ni AJ.

“Nagdadalawang isip ako ngayon kung ilalabas ko pa ba yung pasabog ko kasi parang hidni ko kakayanin na makitang nasasaktan si Ms. AJ Raval. Aanhin ko ang traffic sa loob ng Isyus App kung mahe-hurt ko naman ang image at career niya,” dagdag pa nito.

Hindi man tinukoy ni Xian kung anong pasabog niya tungkol sa 26-anyos na aktres, napaisip naman ang mga netizes kung tungkol nga ba ito kay Aljur. Bago pa ito mag-viral, kumalat na rin sa social media ang iba’t-ibang larawan ni Aljur at AJ sa publiko. Ang isa pa dito ay magka-holding hands ang dalawa.

Ngunit imbes na ma-offend ay tila pumatol pa si AJ at sinakyan lamang nito ang mga rebelasyon ni Xian. Ngunit kahit pa nag-abiso si Xian na ilalabas niya ito sa social media, sa huli ay umatras din siya.

Sa kasunod na status update, ibinahagi ni Xian na nagdadalawang isip siya dahil ayaw niyang siya ang maging dahilan ng pagkasira ng image at career ng baguhang aktres.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post AJ Raval, Hindi Inatrasan ang Banta ni Xian Gaza na May ‘Pasabog’ ito Tungkol sa Aktres! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments