Ready na nga bang bumuo ng pamilya si Dominic Roque at Bea Alonzo? Yan ang tanong g mga fans matapos magbiro ang Kapamilya nitong nakaraan lang. Hindi mapigilang kiligin ng mga netizens matapos sabihin ni Dominic na tila gusto na rin niya magkaroon ng sariling anak! Ano kaya ang reaksyon ni Bea dito?
Kamakailan lang, sumali si Dominic sa isang live video kasama ang kanyang kapatid na si Anthony. Noong mga panahong iyon ay nasa restaurant sila na pagmamay-ari ng mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nabigla ang dalawa matapos sabihin ni Dominic na tila ba nais na rin niyang magkaroon ng sariling baby, gaya ng kanyang kuya.
Ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang ibunyag ni Bea Alonzo ang totoong namamagitan sa kanila ni Dominic Roque. Ayon kay Bea, official na ang kanilang relasyon! Ilang buwan na rin daw silang nagde-date, ngunit recently lang sila nagkaroon ng official na label. Kamakailan lang ay ibinunyag ito ng aktres sa kanyang interview.
“Few months lang talaga kami naging official, but we have been dating. Pero yung officially, few months ago lang,” pahayag ni Bea sa kanyang exclusive interview sa Philippine Entertainment Portal. Dagdag pa ng aktres, mukhang hindi naman sasakit ang ulo niya kay Dominic dahil nakikita niya na mabuti itong boyfriend.
Mas naging careful na rin daw si Bea ngayon sa pagpili ng lalaking mamahalin niya. Ayon sa aktres, bago pa man sila maging magka-relasyon ni Dominic ay naging magkaibigan muna sila, kaya naman kilalang-kilala na niya ito.
“Ayoko na ng sakit sa ulo. Ayoko na, pagod na pagod na ako sa sakit sa ulo. So far, hindi naman, sana hindi niya pasakitin yung ulo ko, pero mukhang hindi naman. Mukhang hindi naman kasi magkaibigan naman kami noon pa. Kilala ko naman siya, and alam ko na honest naman siya,” pahayag ni Bea.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Dominic Roque, Ready na Magka-Baby! Ano Kayang Reaksyon ni Bea Alonzo Dito? appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments