Isa si AJ Raval sa mga sikat na starlet ngayon muna sa Viva Entertainment. Sumikat siya sa kanyang pagpapa-sexy hindi lamang sa social media, kundi maging sa pelikula na rin. Kaya naman mabilis na napukaw ang atensyon ng publiko sa 26-anyos na aktres. Siya rin ang isa sa mga anak ng dating action star na si Jeric Raval.
Dati ay kilala si Jeric Raval sa pagiging tigasin nito sa pelikula. Bumida rin ito sa maraming action films noong 90s. Ngunit magugulat kayo dahil ibang-iba ang kanyang personality sa totoong buhay! Kung gaano siya katigasin sa pelikula, ganun din kalambot ang puso ni Jeric pagdating sa anak niya.
Sa katunayan, ibinahagi ni AJ noon na labis siyang malapit sa kanyang ama. Daddy’s girl daw talaga siya noon pa man, at nagpapasalamat rin siya sa paggabay nito sa kanya. Hindi man aprubado ni Jeric ang pagpapasexy niya, naiintindihan naman daw nito na kailangan niyang gawin iyon upang sumikat sa mundo ng showbiz.
Kamakailan lang, ibinahagi ni AJ ang kanilang bonding moment ng kanyang ama. Lagi silang lumalabas na magkasama at gumagawa ng iba’t-ibang outdoor activities. Sa pagkakataong ito, tinuruan ni Jeric ang kanyang dalaga sa paghawak ng baril sa Delta Lion Shooting Range, kung saan nakasama rin nila ang isa’t-isa.
Labis na namangha si AJ sa galing ng ama niya pagdating sa paghawak ng baril. Napakabilis rin nitong gumalaw, at talagang asintado pa si Jeric!
Ayon naman sa dating action star, noong kapanahunan niya ay kailangang matuto ka talaga upang mas kapanipaniwala ang iyong mga pelikula.
Ngunit ang pinaka highlight ng video ay ang pagsesermon ni Jeric sa kanyang anak! Ano kaya ang dahilan at bigla na lamang nitong pinangaralan si AJ?
Silipin ang buong pangyayari sa kanyang vlog:
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post AJ Raval, Nakatanggap ng Umaatikabong Sermon kay Jeric Raval sa Kanilang Father-Daughter Bonding appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments