Hindi biro ang pagiging isang Overseas Filipino Worker, dahil bukod sa pagiging malayo sa iyong pamilya ay kailangan mo ring makibagay sa ibang kultura upang kumita ng pera, kung kaya naman bawat halaga na kanilang sinasahod ay tila ginto kung kanilang ituring.
Isang kuwento ng isang misis na lumipad papuntang Kuwait ang nag silbing inspirasyon sa karamihan matapos siyang supresahin ng kaniyang mag ama na nag sumikap din nang husto kasabay niya habang siya ay nagsasakripisyo sa ibang bansa.
Si Rodelyn Fortes ay kamakailan nag viral online matapos ang kaniyang asawang si Rogelio ay naka ipon ng nagkaka halagang 300,000 PHP mula sa lahat ng padala na ibinigay ng misis simula noong nagtrabaho ito sa Kuwait.
Ayon kay Rogelio, sinubukan niyang huwag galawin ni isang kusing ang bawat pinapadalang sahod ni Rodelyn, samanatalang gumagawa naman siya ng paraan upang maitaguyod ang araw-araw na pangangailangan sa pamamagitan ng tindahan na kaniyang itinayo niya.
“Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko imbes na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag- store ako,” pagbabahagi ni Rogelio.
At dahil sa kaniyang pag susumikap at galing sa pagtitipid ay nadagdagan pa ang ipon nilang mag asawa.
Lubos na ikinatuwa naman ito ni Rodelyn at mas lalo pa siyang ginanahan magtrabaho.
“Hindi ko lubos maisip na ganun ang maiipon nya kasi magkano lang naman ang sahod ko doon sa Kuwait,” ani ni Rodelyn.
Bukod sa kanilang malaking naipon ay nagawa pa nilang makapag patayo ng sarini nilang bahay, bagay na matagal nang pangarap ng mag asawa.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Isang mister, Nakapag Pagawa ng Bahay Matapos Ipunin ang Lahat ng Padala sa Asawa Niya Mula sa Abroad appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments