Willie Revillame, ibinunyag ang tunay na dahilan kung bakit siya binigyan ni Charo Santos ng 2 milyon noon

Minsan nang ginimbal ng multi-millionaire TV host na si Willie Revillame ang kaniyang mga fans niyang ikinuwento ang kabaitan ni Charo Santos, isa sa mga ABS CBN executive bosses noong nakaranas siya ng mahirap na pagsubok sa buhay.

Ito ay noong nagsisimula pa lamang si Willie sa larangan ng paghohost na mismong nagsimula rin sa ABS CBN.

Sa selebrasyon ng kaniyang ika animnapu’t taong kaarawan, nagulat ang host noong nakatanggap siya ng bati kay Santos.

“Willie, 60 is a good place to be in, trust me… Thank you for your friendship mabuti naman hindi mo ako nakakalimutan,” pagbati ni Ms Charo.

Unang namayagpag ang career ni Willie sa industriya sa mga comedy films hanggang noong 2005 ay binigyan siya ng pagkakataon na ipakita ang kaniyang husay sa pag eentertain ng mga tao sa pamamagitan ng defunct show na Wowowee.

Ngunit bago pala magsimula ang Wowowin ay ginawan pala ng napaka laking bagay ni Santos si Revillame, dahilan upang mapirmahan niya ang kaniyang kontrata ng maayos ang estado ng pamumuhay.

Kwento ni Willie, “‘Pirmahan mo yan para makabili ka ng bahay.’ Binigyan niya ako ng 2 million [pesos]” Kwento ni Willie.

Ayon pa sa kaniya ay noong mga panahon na iyon ay nagrerenta lamang siya ng bahay, kung kaya naman laking gulat niya noong ipinatawag siya sa opisina ng isa sa mga big bosses ng ABS CBN.

Kung kaya naman hindi sinayang ni Revillame ang kabaitan at pagkakataon na ibinigay sa kaniya ni Santos at sinigurado na magiging patok ang kaniyang noon time show.

Simula noon ay ibinigay na rin ng ABS CBN ang buong kapangyarihan kay Willie na kontrolin ang kaniyang show.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Willie Revillame, ibinunyag ang tunay na dahilan kung bakit siya binigyan ni Charo Santos ng 2 milyon noon appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments