Leading Lady Cindy Miranda na Na-Link kay Aljur Abrenica, Nagsalita na Tungkol sa Third Party Issue

Kamakailan lang, naging bali-balita sa social media ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Sa isang interview, kinumpirma ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na hindi na nagsasama ang dalawa. Ayon kay Robin, third party ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa.

Matapos ang rebelasyon na ito ay nag-react naman si Kylie sa social media. Ayon sa Kapuso actress, totoong hiwalay na sila ni Aljur, ngunit hindi dito natatapos ang kanilang responsibilidad bilang co-parents. Ayon kay Kylie, umaasa siyang sa hinaharap ay may mapupulot silang aral sa naging mapait na karanasang ito.

Read More: Isang ABS CBN Director, May Nakagugulat Na Pasaring Sa Paglipat ni Bea Alonzo Sa GMA

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake. We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us. All we need right now is respect,” pahayag nito sa social media.

Sa kabila nito, hindi naman binanggit o pinangalanan ni Kylie kung sino ang third party sa kanilang relasyon. At dahil dito, hindi mapigilang maintriga ng mga netizens kung sino nga ba ang third party. May mga fans na agad nag-assume, at nagsabing maaaring si Cindy Miranda ito.

Si Cindy ang leading lady ni Aljur sa kanyang upcoming film na ‘Nerisa.’ Hindi maitatanggi ang on-screen chemistry ng dalawa, kaya naman marami ang nagtatanong kung posible nga bang nagkadevelopan si Cindy at Aljur sa taping. Sinagot naman ito ni Cindy matapos mag-comment ang isang netizen sa kanyang IG post.

“Sana pure work lang kayo. Wag ka sana manira ng pamilya.” Agad naman itong sinagot ni Cindy at itinanggi niyang mayroon silang personal relationship ng kanyang co-star: “Yes, very professional. I’m not the third party, thanks.” Sa kabilang banda, hanggang ngayon naman ay nananatiling tikom si Aljur tungkol sa isyung ito.

Read Also: John Lloyd, Ito Lang ang Nasabi sa Biglaang Paglipat ni Bea Alonzo sa GMA 7

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Leading Lady Cindy Miranda na Na-Link kay Aljur Abrenica, Nagsalita na Tungkol sa Third Party Issue appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments