Maraming fans ang nagulat sa paglipat ng beteranang aktres na si Bea Alonzo sa GMA 7. Sa loob ng ilang taon, sa Kapamilya network kuminang ang karera ni Bea. Ngunit nagbago ito nang magsara ang ABS-CBN noong May 2020. Kamakailan lang, pumirma na si Bea ng P200-million contract sa GMA 7, para maging isang official na Kapuso.
Malugod namang i-winelcome ng GMA Network si Bea. Paniguradong magiging maganda at kaabang-abang ang proyekto ng aktres sa bago niyang network. Ngunit sa kabila ng magandang career na naghihintay sa kanya sa GMA 7, may mga heavy baggages si Bea mula sa kanyang dating network.


Read More: Isang ABS CBN Director, May Nakagugulat Na Pasaring Sa Paglipat ni Bea Alonzo Sa GMA
May ilang direktor at production staff ang nag-komento na walang utang na loob ang aktres dahil sa pag-iwan sa kanyang home network. Inakusahan nila si Bea na inabandona nito ang isang project para lang makalipat sa GMA 7, bagay na tinanggi naman ng aktres sa kanyang interview.
Isa sa mga nag-react sa paglipat ni Bea ay ang batikang direktor na si Direk Cathy Garcia-Molina. Nakatrabaho na rin ni Direk Cathy si Bea sa mga blockbuster films nito. Kabilang na dito ang mga rom-com films na “Miss You Like Crazy,” “One More Chance,” at “A Second Chance” kung saan nakatambal ni Bea si John Lloyd Cruz.

Sa kanyang nagdaang interview, tinanong si Direk Cathy kung siya rin ba ang magdidirek ng bagong project ni Bea at John Lloyd. Nitong mga nagdaang buwan, umugong ang usap-usapan na mayroong reunion project ang dalawa. Ngunit itinanggi ni Direk Cathy na siya ang magiging direktor nito.
“Ako po as their director hindi na. Pero parang tuloy po with a different director,” paglilinaw ni Direk Cathy. Tinanong rin siya kung anong reaksyon niya sa paglipat ni Bea ng network. May sama nga ba siya ng loob sa aktres dahil sa network transfer nito? “Wala po, I respect their choices. Hindi naman pang-forever yan.”

Read Also: John Lloyd, Ito Lang ang Nasabi sa Biglaang Paglipat ni Bea Alonzo sa GMA 7
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post “Hindi naman pang-forever yan..”- Direk Cathy, May Sama nga ba ng Loob Kay Bea sa Paglipat Nito ng Network? appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments