Isang Guro, Na Naaksidente Dahil Sa Kaniyang Suot Na Face Shield, Umani Ng Iba’t Ibang Komento

Maaalalang noong nakaraan lamang ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari nang hindi gumamit ng face shield sa mga pampublikong lugar ang mga tao, basta sila ay nakasuot ng face mask at sumusunod sa social distancing.

Ngunit, ilang araw matapos ihayag ang nasabing anunsyo ay muli itong binawi ng Pangulo at sinabing kailangan pa ring gumamit ng face shield upang dagdag proteksyon sa mamamayan.

Subalit, noong nakaraang Lunes lamang ay may isang guro ang napahamak pa sa pagsusuot ng face sheild kaysa maprotektahan nito.

Si Ginang Luisa Arguelles, isang guro, ay nanlalata at iniinda pa rin ang kirot at sakit ng kaniyang nabaling buto, sa kaniyang kaliwang pulso.

Kwento ni Ma’am Luisa, ang dahilan di umano ng kaniyang mga sugat at bali ay ang face shield na suot habang siya ay naglalakad sa Novaliches, Quezon City, matapos bumaba sa isang pampublikong Jeep.

“Masakit po kasi ‘yung sugat talaga… lalong kumikirot kasi po nakabaon talaga ‘yung bakal po do’n sa kamay ko…” kwento ng Ginang habang ipinapakita ang tatlong bakal na nakabaon sa kaniyang pulso, upang maging suporta nito mula sa pagkakabali.

“Kapag ano, ang sakit-sakit at kumikirot. Lalo na kapag malamig po, kumikirot. Tapos kapag matutulog na s gabi, o kahit sa umaga, hindi ko alam kung saan ako papaling…” dagdag pa ni Ma’am Luisa.

“Naka-face shield po ako at naka-salamin… hindi ko po nakita, akala ko nahakbangan ko na ‘yung gutter… ‘yun po pala, hindi pa— so nadapa ako… Nung pagkadapa ko po, ito pong kaliwa kong kamay ‘yung naitukod ko…” pinaliwanag ng Ginang ang kaniyang karanasan. Nang maaksidente si Ma’am Luisa ay agad naman siyang tinulungan ng Traffic Enforcer na nakakita sa pangyayari at mabilis na sinugod sa hospital.

Nangyari ito sa kalagitnaan ng debate kung kailangan pa ba ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar. At dahil sa mga siyentipikong paliwanag ng mga health professionals ay mas minabuting panatilihin ang pagsusuot ng face shield dahil bukod sa nakakadagdag ito ng proteksiyon ay mababa pa lamang ang bilang ng mga nabakunahan na sa bansa kaya’t mas malaki pa ang tiyansa ng pagkalat ng virus.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Isang Guro, Na Naaksidente Dahil Sa Kaniyang Suot Na Face Shield, Umani Ng Iba’t Ibang Komento appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments