Kamaikailan lamang ay naging mainit na usap-usapan ang paglipat ni Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom o mas kilala sa kaniyang stage name na Bea Alonzo, sa GMA Network.
Iba’t-iba ang mga reaksyon ng mga tao sa biglaang paglipat ng nasabing istasyon. May mga natawa at ginamit ang pagkakataon na ito upang gamitin bilang ‘meme’ ang kaniyang line sa kaniyang pelikula na ‘4 sisters in a wedding’, bilang si Bobby.

Ngunit, marami rin ang hindi natuwa at tila ba nadismaya sa paglipat ng nasabing aktres. Isa na sa mga ito ay ang Direktor na si Erick Salud at ang ABS-CBN Unit Head and Program Manager na si Ethel Espiritu.
Ayon sa tweet ng direktor na si Erick, hindi niya maintindihan ang rason ni Bea sa biglaang paglipat nito dahil mayroon na itong nakaplanong teleserye, bago pa man magkaroon ng pandemya.

“So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya? Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic. Tapos say niya, ‘di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat. AAAARTE!!! Naghihirap ba siya? Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!” ayon sa tweet post ng Direktor. Nakaprivate man ang Twitter account, kumalat pa rin ang mga screenshots ng tweet ng Direktor dahil sa mga netizens.
Isa pa sa nagpasaring patungkol sa paglipat ni Bea ay si Ethel Espiritu. Sinabi nito sa kaniyang mga tweets na maiintindihan ang rason ng ibang lumipat ng istasyon, ngunit kung may proyketong iniwan na lamang basta, at may mga kasamahan sa trabaho ang naapektuhan, ‘napaka-inconsiderate’ at tila isa itong ‘ingratang’ pag-uugali.

“Walang mali sa magpaalam at paglipat where there are opportunities. Lalo na hindi na mabibigay sa’yo yung expected mo at gusto mo. Make sure malinis lang, maliit lang industriya natin. They always say, don’t burn bridges. I hope she didn’t.” pahayag ni Ethel sa kaniyang huling tweet.
May mga netizen ang sumang-ayon sa mga tweets nila Erick at Ethel, ngunit marami rin ang dumepensa kay Bea at nagsasabing wag silang bitter at dapat ay hayaan na lamang ang nasabing aktres sa kaniyang mga desisyon.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Isang ABS CBN Director, May Nakagugulat Na Pasaring Sa Paglipat ni Bea Alonzo Sa GMA appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments