Kabilang sa mga pinakahinahangaang journalists sa Pilipinas si Kara David. Ilang dekada na rin itong naghahatid ng balita sa Kapuso network. Sa katunayan, nagawaran na rin ng maraming awards si Kara dahil sa kanyang marangal at kahanga-hangang trabaho bilang journalist at TV host ng documentary program na “I Witness.”
Nasa dugo na ni Kara ang paglilingkod. Sa katunayan, ang ama ni Kara David ay isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas na si Emiritus Randy David.
Ang kanyang ina naman na si Katarina Constantino David ay dating Chairperson naman ng Civil Service Commission.

Taong 1995 nang magsimula si Kara sa kanyang career sa media. Noong mga panahong iyon, nagsimula siya bilang production assistant sa GMA Network. Hindi nagtagal ay unti-unting umangat si Kara, hanggang sa nagkaroon siya ng sarili niyang programa gaya ng “OFW Diaries,” “Brigada,” at “I Witness.”
Maswerte na sa career, ngunit alam niyo rin bang maswerte sa pag-ibig si Kara? Taong 2018 nang ikasal siya sa kanyang long-time partner na singer-songwriter LM Cancio.
Bago ang kanilang pag-iisang dibdib ay tatlong taon na ring na rin silang naging magkasintahan simula nang magkakilala sila sa UP noong 2015.


Lingid sa kaalaman ng publiko, mayroon na ring anak si Kara sa kanyang dating partner. Si Julia ay nasa edad bente na rin ngayon, at ayon kay Kara, ito ang nagsisilbing inspirasyon niya upang mas pagbutihin pa. Dahil daw kay Julia ay namulat rin ang kanyang mga mata sa realidad ng buhay.
“Nagbago ang buhay ko dahil kay Julia, before ako magbuntis sa kanya, hindi masyadong importante ang buhay, sobra akong happy go lucky noon na parang hindi ko masyadong iniisip yung future pero nung nagkaroon ako ng anak, naging nanay ako, parang lumaki yung mundo.”

Read More: Ganito na Pala Kataas ang Nakakalulang Net Worth ni ‘Yaya Dub’ AKA Maine Mendoza!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi ang inyong opinyon o parehong karanasan sa aming Facebook page. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Kilalanin ang Lalaking Nagpatibok sa Puso ni Kara David at ang Anak niyang Dalaga na Ngayon appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments