Sa panahon ngayon, usong-uso na ang online shopping. Ilang click mo lang at maaari ka nang makabili ng bagay na kinakailangan mo. Sa tulong ng mga online shopping platforms, naging daan rin ito upang magkaroon ng oportunidad ang mga small time business owners. Gaya na lamang ng isang seller na ito, na nag-viral sa Twitter!

Kamakailan lang, isang Twitter user ang nagbahagi ng kanyang nakaka-touch na karanasan sa pag-order sa Shopee. Ayon sa netizen na ito, umorder siya ng dalawang phone cases para sa kanyang cellphone. Ngunit nang dumating ito, hindi niya inaasahan na mayroon pala itong kasamang sorpresa!

Read More: Kilalanin ang Mala-Artistang Unica Hija ni Raffy Tulfo na Nagmana sa Kanyang Ama sa Kabaitan

Sa loob ng kanyang parcel ay mayroong handwritten letter mula mismo sa may-ari ng shop. Ayon sa may-ari, nawalan siya ng trabaho kaya naman nagsimula na lamang siyang magbenta ng phone cases sa Shopee. Nakiusap rin siya sa kanyang customers na magbigay ng positibong rating sa kanyang shop.

“I am a young man who has just been unemployed and started a business in Shopee. I regard running this shop as my only business. If you like my products, would you please give me a good review? Your praise is a super great encouragement to me. I know my efforts have not been in vain.”

Malaki ang naitutulong ng mga positive reviews sa online shopping platforms gaya ng Shopee. Kaya naman tuwing satisfied ang customers ay mas lalong nagiging reliable ang mga online shops. Kaya mahalaga para sa mga seller na magkaroon ng good feedback sa kanilang mga produkto.

“Please don’t give me a bad review directly. I hope to serve every customer well. This is very important to me. Wish you happy and healthy every day,” dagdag pa ng business owner.

Agad namang nag-viral sa Twitter ang letter na ito. Maraming netizens ang talagang na-touch dahil sa mensahe ng seller. Mas lalo ring dumami ang customers nito sa Shopee dahil nais nilang makatulong sa seller.

Read More: Angeline Quinto, Inangkin ang Mala-Resort na Bahay sa Batangas, Ngunit Ito Pala Talaga ang Totoong May-Ari

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Customer na Umorder Lang ng Phone Case, Laking Gulat sa Kanyang Natanggap sa Parcel! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed