Napakagandang Dilag, Pinatunayang Hindi Hadlang ang Kapansanan sa Pag-iibigan Nila ng Kanyang Mister!

Ayon nga sa kasabihan, love is blind. Pagdating sa pagmamahal, hindi mahalaga ang edad, itsura, o estado mo sa buhay. Kahit pa sa tingin mo ay hindi ka pinalad sa itsura, makakahanap ka pa rin ng taong magmamahal sayo ng tunay at totoo. Kaya naman kapag nahanap mo na espesyal na taong ito ay mo nang pakawalan pa!

Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang nakakakilig na love story ng couple na ito mula sa Thailand. Sa kabila ng kapansanan ng lalaki, hindi ito naging hadlang upang mahalin at alagaan siya ng kanyang napakagandang girlfriend. Paniguradong mapapa-sana all na lang kayo sa kwento nila.

Read More: Kilalanin ang Mala-Artistang Unica Hija ni Raffy Tulfo na Nagmana sa Kanyang Ama sa Kabaitan

Si Phatsara Obnak ay isang 23-anyos na dalaga na kilala sa kanyang kagandahan. Maraming lalaki ang nagtangkang manligaw kay Phatsara, ngunit para sa iisang tao lamang tumitibok ang puso niya. Iyon ay walang iba kundi si Boonme Khanthong, na 37-anyos niya. Siya ang naging mister ng napakagandang dalagang ito.

Ayon sa Thai News, ikinasal ang dalawa sa northeastern province na Surin. At kahit pa mayroong pisikal na kapansanan si Boonme ay hindi ito naging hadlang sa pagmamahalan nila.

Sa isang interview, ibinahagi ng 37-anyos na lalaki na bata pa lamang siya nang tuluyang masira ang capillaries niya sa mukha, na siyang naging dahilan ng kakaibang itsura nito.

Dahil sa kahirapan ay hindi na niya nagawang ipatingin ito sa doktor. Noong una’y nawawalan na siya ng pag-asa na makakahanap pa ng babaeng mamahalin, hanggang sa nakilala niya si Phatsara. Nagtagpo ang landas ng dalawa habang nagtitinda si Boonme ng papaya sa Southern Hat Yai City.

Noong unang beses pa lamang niyang nasilayan si Phatsara, nahulog na ang loob niya dito. Napag-alaman niya rin na nagkaroon na ng asawa ang dalaga, ngunit hiwalay na sila. Mayroong isang anak si Phatsara, at handa rin si Boonme na tumayong tatay para dito.

Ayon naman kay Phatsara, na-inlove siya sa kanyang mister dahil sa pagiging maasikaso nitong asawa. Responsable daw ito at minahal na rin ang kanyang anak na tila ba sariling laman at dugo nito. Kaya naman maraming netizens ang talagang kinilig sa kanilang kakaibang love story!

Read More: Angeline Quinto, Inangkin ang Mala-Resort na Bahay sa Batangas, Ngunit Ito Pala Talaga ang Totoong May-Ari

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Napakagandang Dilag, Pinatunayang Hindi Hadlang ang Kapansanan sa Pag-iibigan Nila ng Kanyang Mister! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments