Ito Pala ang Dahilan Kung Bakit Tumigil na sa Pagkain ng Manok si Lucy Gomez

Lahat tayo ay guilty sa pagkakaroon ng ‘pet peeve’ pagdating sa pagkain. Maaaring ito ay dahil sa relihiyon o paniniwala, ngunit kadalasan ay may mga pihikan talaga sa pagpili ng kanilang kinakain. Isa na sa kanila si Congresswoman Lucy Torres Gomez, na ibinahagi ang common meat na hindi na niya kinakain.

Noong June 21, 2021 ay nagkaroon ng Zoom virtual meet ang dating aktres sa Philippine Entertainment Portal. Sa kanyang interview, ibinahagi rin ni Lucy ang kanyang personal preference pagdating sa pagkain. Hindi raw siya pihikan pagdating sa pagkain, ngunit may iilang pagkain siyang hindi kinakain, at isa na dito ay ang manok.

Read More: John Lloyd, Ito Lang ang Nasabi sa Biglaang Paglipat ni Bea Alonzo sa GMA 7

Ibinahagi ng congresswoman na noong kabataan niya ay mayroon silang alagang kambing. Kaya naman hanggang sa lumaki siya ay hindi na siya kumakain nito: “There are things I don’t eat talaga like kambing. Kasi we had a pet goat before, growing up. Hindi ako kumakain ng kambing.”

Bukod pa dito, ibinahagi rin ni Lucy ang dahilan kung bakit hindi na siya kumakain ng manok ngayon. Ayon kay Lucy, may personal sentiments siya pagdating sa mga manok.” And then kung gaano ko ka-love ang chicken, ngayon hindi na ako kumakain ng chicken,” pahayag nito sa kanyang interview.

Sa Instagram profile ni Lucy ay makikita rin ang kanyang pagmamahal sa mga hayop. Lagi rin niyang ibinibida ang mga alagang manok nila sa Ormoc City ng kanyang asawang si Richard Gomez. At dahil sa malapit ang loob niya sa kanilang mga alaga, binansagan niya itong “Stars” ng kanilang tahanan.

Dagdag pa ni Lucy, dahil malawak ang kanilang bahay sa Ormoc ay marami rin silang alagang hayop. Mahilig mag-alaga ng kung ano-anong klaseng hayop ang kanyang asawa, kaya naman nagbiro pa ang dating aktres na noong quarantine ay para na silang isang malaking pamilya sa kanilang bahay.

“Kasi ang dami niyang mga hayop. At saka magkakaibigan lahat ng mga hayop niya. Nagsimula lang iyan sa dalawang bao, dalawang turtle, and now may gansa, turkey, mga manok, may baboy, minsan pa may bayawak,” pahayag ni Lucy. Ang tanging request niya lamang daw sa kanyang asawa ay wag mag-aalaga ng unggoy.

Read Also: Ito na Pala ang Buhay Ngayon ng Dating Child Wonder na si Serena Dalrymple Matapos Iwan ang Showbiz!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Ito Pala ang Dahilan Kung Bakit Tumigil na sa Pagkain ng Manok si Lucy Gomez appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments