Kamakailan lang, maraming fans ang nagulat nang ibunyag ni Bea Alonzo na magiging Kapuso na siya. Ito’y matapos pirmahan ni Bea ang kanyang tumataginting na P200 million contract sa GMA 7. Nakatanggap naman siya ng mainit na welcome mula sa GMA executives, at maraming fans ang na-excite sa bagong projects ni Bea.
Isa na sa mga nagpahayag ng kanilang congratulatory remarks ay si John Lloyd Cruz. Kamakailan lang, nag-guest rin si John Lloyd sa GMA show na “Wowowin.”
May usap-usapan rin na isa siya sa mga naging deciding factors kung bakit mas pinili ni Bea na lumipat ng network. Matatandaang matalik na magkaibigan ang dalawa.


Read More: “Anakan mo ko”- Paulo Avelino, May Prangkang Sagot sa Bastos na Fan sa Twitter!
Sa paglipat ni Bea sa kabilang network, masaya rin siyang tinanggap ng mga GMA executives. Nakipag-video call rin siya sa GMA Films Executive na si Annette Gozon Valdes. Kasama nila sa video call si John Lloyd, na isa sa mga pinakasikat na naging leading man ni Bea.
Sa video, mababakas ang tuwa ni John Lloyd sa paglipat ni Bea, kaya naman agad niyang cinongratulate ito. Pabiro namang nagtanong si Bea kung magkikita ba sila ni John Lloyd sa GMA office ngayong Kapuso na siya. Natatawa namang sumagot si John Lloyd ng: “Halika na.”

Maraming netizens naman ang nagkaroon ng mixed reaction sa paglipat ni Bea. Ang kanyang mga solid fans ay natutuwa at muli na namang mapapanood sa telebisyon si Bea. Ayon sa kanila, kahit saan pang network ito lumipat ay patuloy nilang susuportahan ang kanilang idol sa career nito.
Ngunit may iba rin na nadismaya sa paglipat ni Bea. Ayon sa kanila, isa siya sa mga esteemed artists ng ABS-CBN, kaya paniguradong malaking kawalan siya para sa network. Mayroon ring nag-akusa kay Bea ng pag-iwan ng mga unfinished projects sa Kapamilya network.

Read Also: Sharon Cuneta, Ginulat Ang Fans Matapos Aminin Na Umabot Sa Kalahating Bilyon Ang Utang Niya
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
The post John Lloyd, Ito Lang ang Nasabi sa Biglaang Paglipat ni Bea Alonzo sa GMA 7 appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments