Naaalala niyo pa ba ang child star wonder na si Serena Dalrymple? Kung ikaw ay isang batang ’90s, malamang ay kilalang-kilala mo ang child star na ito. Noong late ’90s, isa si Serena sa mga pinakasikat na child star sa mundo ng showbiz. Una siyang sumikat sa kanyang memorable na commercial ng Jollibee chickenjoy noong 1997.
Dahil sa kanyang angking talento at husay, agad napansin ng mga television producers ang potensyal ni Serena. Kaya naman hindi nagtagal ay bumida rin ito sa blockbuster hit na “Haba-baba-doo Puti-puti-poo!” na na-release isang taon lamang matapos siyang lumabas sa sikat na Jollibee Chickenjoy commercial.


Hindi nagtagal ay nagtuloy-tuloy na rin ang projects at offers para sa talentadong child star. Sa kabila ng kanyang murang edad, nakatrabaho niya rin ang mga respetadong aktor sa industriya. Ngunit marami ang nagulat nang bigla na lamang ianunsyo ni Serena noong 2004 na tatalikuran na niya ang showbiz.
Mas pinili ni Serena na mag-focus sa kanyang pag-aaral. Hindi katulad ng ibang artista, nais ni Serena na magkaroon ng ibang career mula sa pagiging artista. At nakamit naman niya ito, dahil ilang taon ang nakalipas ay nakapagtapos si Serena ng Export Management sa De La Salle-College of Saint Benilde!

Ngunit hindi dito nagtatapos ang pangarap ni Serena. Matapos maka-graduate ay tumungo naman ito sa London upang makamit ang kanyang master’s degree sa Hult’s International Business School. Sa ngayon ay nagta-trabaho si Serena bilang manager sa Center of Excellence sa Viacom New York.
Mukhang masaya at kuntento si Serena sa kanyang mapayapang buhay ngayon. Sa kabila nito, maraming fans pa rin ang nangangarap na muli nilang masisilayan sa telebisyon ang kanilang paboritong child star.
Read More: Ganito na Pala Kataas ang Nakakalulang Net Worth ni ‘Yaya Dub’ AKA Maine Mendoza!


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Ito na Pala ang Buhay Ngayon ng Dating Child Wonder na si Serena Dalrymple Matapos Iwan ang Showbiz! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments