Hindi mapigilan ng grupong Beks Friends ang kanilang kasiyahan nang matanggap nila ang mga regalo sa kanila ng kanilang kaibigan at kapwa komedyanteng si Vice Ganda.
Nitong hunyo lamang, ipinakita ng magkakaibigang Ton Soriano, Orli, at Kitty Montercarlo ang kanilang pasasalamat nang sila ay magpunta sa lumang bahay ng ‘Unkabogable Star’, Vice Ganda upang kunin ang lumang jacuzzi nito.

Ang nasabing jacuzzi na ibinigay ng It’s Showtime Host ay ang jacuzzi na matatandaan din na ginamit ng Beks Friends noong sila ay minsang bumisita sa lumang bahay ni Vice, ilang buwan lamang ang nakalipas bago ito lumipat sa kaniyang bagong bahay na tinutuluyan.
Naglibot ang mga nasabing komedyante sa bahay ni Vice Ganda, dala-dala ang susi ng lumang bahay na ipinahiram ng nasabing host. Iniuwi rin ng grupong Beks Friends and mga kagamitan sa bahay na iniwan ng It’s Showtime Host, tulad ng mga hanger, bumbilya, stuffed toys, hanger, at iba pa.

Hindi rin naglaon ay dumating nga ang trak na kumuha sa jacuzzi upang magdeliver sa bahay ng Beks Batallion.
Maliban sa kanyang husay sa pagiging host, pagpapatawa, kilala rin si Vice Ganda sa pagiging mapagbigay na tao. Madalas ay si Vice ang nagbibigay ng suporta sa kanyang pamilya, malalapit na kaibigan at kahit na sino pang tao ang nangangailangan. Marami ring mga charities ang tinutulungan ni Vice Ganda dahil sa paniniwalang ang pagbibigay ay isa sa mga dapat na ginagawa ng mga taong pinagpapala.

Matatandaang laging naiissue ang nasabing it’s showtime host at unkabogable star dahil sa kaniyang pagiging mapagbigay sa kaniyang mga datint naging kasintahan.
Marami ang nanghuhusga kay Vice Ganda dahil sa pagbibigay nito ng mga materyal na bagay sa kaniyang mga kasintahan, lalo na sa kasalukuyang boyfriend nito na si Ion Perez.
Ngunit para sa nasabing host, hindi mahalaga ang sasabihin ng iba, basta bukal sa kalooban niya ang kaniyang pagbibigay at pagbabahagi ng mga biyayang natatanggap.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Mga Kaibigan Ni Vice Ganda , Hindi Napigilang Maging Emosyonal Dahil Sa Binigay Sa Kanila Ng Komedyante appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments